latest Post

Mary Christine Jolly gustong dalhin sa Department of Justice ang kaso laban kay Derek Ramsay

Tuesday, October 14, 2014 | 12:40am | GMA News


Binawi ni Mary Christine Jolly ang reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children (VAWC) Act na inihain niya laban kay Derek Ramsay.
 
Pormal na inihain ni Mary ang naturang mosyon sa Makati Prosecutor’s Office ngayong araw, October 13.
 
Ito ay matapos kuwestiyunin ng kampo ni Mary ang diumano’y baluktot na proseso sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng reklamo laban sa aktor.
 
Pahayag ng legal counsel ni Mary na si Atty. Argee Guevarra, “We received very credible information emanating from the prosecutorial service of Makati that our case, the preliminary investigation, will not be conducted along the avenue of ‘Tuwid Na Daan.’
 
“And that there are external forces out to influence the case in favor of Mr. Derek Ramsay.
 
“My client got wind of this information and she decided that she doesn’t want to pursue the case in Makati Prosecutor’s Office.
 
“She wants to withdraw it as a matter of her right and then file it before the DOJ [Department of Justice].”
 
Ayon pa sa abugado, may hinala sila kung sino ang diumano’y maimpluwensiyang personalidad na tumutulong kay Derek.
 
Ngunit tumanggi si Atty. Guevarra na pangalanan kung sino man ito.
 
Sa ngayon, ang mahalaga ay nakatutok sila sa merito ng kaso ni Mary.
 
Hindi rin umano nakaramdam ng panghihinayang si Mary, kahit pa ngayong araw ang itinakdang huling hearing ng preliminary investigation, bago mabigyan ng kaukulang resolusyon ang reklamo.
 
Sabi ni Atty. Guevarra, “Her position is—minus all the drama in showbiz that Derek is trying to introduce here like crying [and] his incredible statements about his love for his child which is nonexistent for the past 11 years—siguro that’s because he’s from showbiz.
 
“Sa amin, we must focus on the reality of litigation, on upholding the laws of the land and the rights that are supposed to favor her.
 
"We don’t want any attempt to frustrate her pursuit of justice."
 
Dagdag pa ng abugado, umaasa silang muling maihain ang reklamong VAWC sa DOJ bago magtapos ang Oktubre.
 
If you like this story. Please share it. Thank you!

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/383390/showbiz/mary-christine-withdraws-first-case-against-derek-wants-to-re-file-at-doj

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>