Saturday, November 22, 2014 | 10:35pm
Published By: GMA Network
Isiniwalat ni Joey de Leon nitong Biyernes sa noontime show na Eat Bulaga na nagtutulong sila ng newscaster na si Mike Enriquez para mapanood sa GMA-7 ang sikat na game show noon ni Willie Revillame.
Sa pagsisimula ng segment ng Eat Bulaga na "Sugod-Bahay," binati ni Joey si Willie na tinawag niyang "pare" na nanonood umano ng mga sandaling iyon.
Sabi ko nga nilalakad ko sa channel 7 yung alas-singko gawin nang 'Wowowee,' alas-singko hanggang bago mag-news," patungkol ni Joey sa primetime newscast ng GMA na 24 Oras.
Kami ni Mike Enriquez medyo inaayos namin," dagdag pa niya
Kabilang si Mike sa mga anchor ng 24 Oras -- kasama sina Mel Tiangco at Vicky Morales, na nagpapanood tuwing 6:30 p.m.
Maganda 'yan channel 7, 5:00 to 6:30 [p.m] 'Wowowee' tapos '24 Oras.' Iba yung kumpare natin e," dagdag pa niya Joey.
Sinabi naman ni Sen Tito Sotto na katabi ni Joey sa Eat Bulaga na ang nabanggit na oras na planong ilaan sa programa ni Willie ay time slot ng isang sikat na programa noon na "Oras Ng Ligaya."
"Panahon ng 'Oras Ng Ligaya,' noong araw di ba," ayon kay Tito Sen.
Idinagdag pa ni Joey na sinabi niya kay Willie na ang Eat Bulaga dabarkads ang bahalang magpromote ng magiging programa nito sa GMA- 7 sa hapon dahil mauunang silang panood sa longest running noontime show sa bansa
Dating napanood ang "Wowowee" ni Willie sa ABS-CBN. Nang lumipat ang host sa TV5, tinawag na "Will Time Big Time" ang kaniyang game show, at pinalitan ng "Wowowillie" na huling umere noong Oktubre 2013.
If you like this story. Please share it. Thank you!

0 comments:
Post a Comment