"I am Krisel Mallari, a Filipino citizen who would rather choose to fail with honor than win by cheating"
Sa isang school graduation sa Quezon City isang speech ng salutatorian student ang sapilitang pinatigil ng mga guro.
Si Krisel Mallari, 4th year student ang nagpahayag ng kanyang pagka dismaya sa pamunuan ng kanyang eskwelahan.
" Sa bawat taon na lumipas ay puspusan ang pag aaralna ginawa ko sa eskwela, naniwala ako sa patas na labanan. Sa pagtatapos ng school year na ito'y isang hakbang na lang ang layo ko sa finish line, ngunit sa pagdating ko rito'y naglaho ang pulang tali na sisimbolo sana sa aking tagumpay, naglaho nga ba o sadyang kinuha?"
" Maraming tao ang nagbulag bulagan sa isang sistemang marumi at kaduda duda. Ngunit di ko ito tinularan, ipinaglaban ko ang sa tingin ko'y tama, nanindigan ako bilang isang Pilipino na palaban at may takot sa Diyos. Chismis, isang pyesta ng chismis ang inabot ko ng pinagmukha nila akong masama,"
Sa interview kay Krisel sinabi niyang ang kanyang speech na sinabi sa graduation rites ay hindi ang pinasa nyang salutatorian speech na inapproved ng kanyang eskwelan.
Ayon naman sa kapatid ni Krisel na siKristine Mallari, humihingi sila ng computation ng grades ng kanyang kapatid mula sa eskwelahan para magkaroon ng transparency.
" Limang araw pabalik-balik yung dad ko para kunin ang computation,"
At dahil sa speech na binitawan ni Krisel sa gradutio hindi sa kanya ibinigay mg school ang " Best in Religion" na karangalan.
Panuorin ang kabuuang video sa Youtube: https://www.youtube.com/watch?v=88ZZugdI-Vs
Source youtube
0 comments:
Post a Comment