latest Post

“Hindi ko alam paano ko ide-describe 'yung kasiyahan” – Jolina on giving birth  

Ibang klaseng kaligayahan ang nararamdaman ni first-time mom Jolina Magdangal ngayong isinilang na ang kanyang baby boy noong Martes, February 18.

Si Jolens ay nagsilang ng 6.8-lb at 50-centimeter long na baby boy via C-section. Pinangalanan nila ng kanyang asawa na si Rivermaya member Mark Escueta ang kanilang panganay na Pele Iñigo.

“Sobrang saya na hindi ko alam paano ko ide-describe 'yung kasiyahan,” masayang idineklara ng singer-actress.

Kinabahan din ang mag-asawa noong una dahil sa possible complications ng delivery. “Nakakatakot din eh, kasi… major operation nga siya. Syempre maraming kwento sa panganganak na may nangyayaring di maganda,” sabi ni Mark.

Ngunit nang ipinanganak na si Baby Pele, hindi nila maipaliwanag ang kanilang nararamdaman.

“Hindi pa ‘ko makapaniwala, hangga’t nandoon na ko sa recovery room, na totoo nga… Totoo nga, sa akin nga siya galing. Totoo na ‘to. Ito na 'yung totoong nangyayari,” paliwanag ni Jolens.

“Bukod sa pagiging mabuting magulang, sisikapin naming maging best friends niya,” dagdag ni Mark.

Ipinaliwanag ni Jolens kung gaano niya kamahal ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. “Love na love namin siya. Kabuuan na 'yun ng lahat ng nararamdaman ko. Mula kuko ko sa paa hanggang sa dulo ng strand ng buhok ko, bibigay ko para sa kanya,” sabi niya.

Photo by Bochic Estrada
Interview from StarTalk TX
- See more at: http://www.gmanetwor.com

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>