latest Post

Bahay, nasapul ng bumagsak na eroplano; 2, sugatan

Dalawa katao ang sugatan nang bumagsak ang isang maliit na eroplano sa isang bahay sa Rizal, Nueva Ecija.

Kabilang sa mga nasugatan ang may-ari ng bahay na si Glenn Paraiso at isa sa mga piloto na si Paul Pafultad, ayon sa ulat ng GMA News TV's "QRT" nitong Huwebes.

Nakaligtas naman ang isa pang piloto na si Wen "Tet" na isang Myanmar national.

Ayon sa mga nakasaksi, nagpaikot-ikot muna sa himpapawid ang eroplano at sumabit sa isang puno bago bumagsak sa bahay.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang pahayag ang mga piloto. --GMA News

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>