latest Post

Sino ang susuportahan ni Marian Rivera kapag tumakbong VP sa 2016 polls sina Vilma Santos at Kris Aquino?

Parehong malapit kay Marian Rivera sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Queen of Talk Kris Aquino, na kapwa nababanggit ang pangalan sa mga balita na maaaring tumakbong Vice President ng Pilipinas sa 2016 elections.

Sakaling sabay siyang kukunin bilang endorser nina Vilma at  Kris, kaninong offer kaya ang tatanggapin niya?

Tugon ng Kapuso Primetime Queen, “Hindi ko alam. Hindi ko alam.

“Paano ko ba hahatiin ang sarili ko?

"Depende, kasi pareho silang mahalaga sa akin, mabait sila sa akin.

"So, hangga’t kaya kong tumulong sa bawat isa e gagawin ko.

“Hindi naman sa pagiging biased, pero pagpapakita lang na mahal ko sila parehas.

“Kasi parehas talaga silang mabait at mahalaga sa akin.

"So, tingnan natin, baka naman magkaiba ang tatakbuhin, so mas maganda.”

Source gmanews.com

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>