latest Post

Daniel Padilla does not want to put pressure on Kathryn Bernardo nowthat she's 18


Sa inihandang debut party ng fans ni Kathryn Bernardo, ang Kath Dreamers, para sa young actress noong Linggo, March 23, ang ka-loveteam nitong si Daniel Padilla ang panghuling nagbigay ng bulaklak sa 18 Roses.

Ibig kayang sabihin nito ay si Daniel talaga ang pinakamatimbang sa puso ni Kathryn ngayon?
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Daniel, nagpahayag siya ng pasasalamat sa preparasyong ginawa ng mga tagahanga ni Kathryn para sa espesyal na araw na ito ng dalaga.

“Nakakatuwa siyempre, talagang hinanda nila itong lahat para kay Kathryn. “Ang ganda, ang ganda ng preparasyon nila. Mga videos na ginawa, e, talaga namang panalo. “Nakikita naman natin kay Kath na talagang masaya, e, na overwhelmed siya. Dagdag ni Daniel, “Masaya ako na talagang ipinapakita nila kung gaano nila kamahal si Kathryn.

“Talagang pinaghandaan nila ng dalawang taon. Grabe, lumabas naman nang maganda at maayos.
“Pagpasok ko nga, sabi ko, ‘Wow! Talagang handang-handa, ibang klase!’”

Bukas, March 26, ang talagang 18th birthday ni Kathryn.

Sabi ni Daniel, “Eighteen na siya, adult na rin siya siguro, so maging responsible. “Nandito naman kaming lahat para sumuporta, gumabay sa kanya.” Ano ang regalo niya kay Kathryn sa kaarawan nito?
“Sa birthday na lang niya talaga. It’s either sa 26 or sa debut niya,” sabi ng young actor. -- pep.ph

If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>