latest Post

John Lapus hopes for reconciliation between Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas



Aminado si John “Sweet” Lapus na hindi niya alam kung bakit kasalukuyang may tampuhan ang mga kaibigan niyang sina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas.

Pahayag ni Sweet, “Nabalitaan ko nga iyan. Pero wala akong alam. “Nalalaman ko lang sa iba, nanonood ako ng TV, nagbabasa ako sa PEP. “Si Ai-Ai kasi, I haven’t seen her in a while. Nagtsitsikahan lang kami sa Instagram.

“Si Kris naman, nagkikita lang kami pag co-host niya ako sa Kris TV, pero matagal na rin kaming ‘di nagkikita. “Feeling ko naman, matanda na iyang dalawa na iyan, alam na nila ang ginagawa nila.

“As a friend, what I can do na lang siguro is mag-pray na eventually maayos bilang sayang yung friendship nila. “They have a very strong friendship and friends ko silang dalawa individually. “So, I don’t wanna be put in a situation na nasa iisang lugar kami na parang hindi kayo nagpapansinan. “Sana maayos agad-agad,” asam pa ni Sweet para sa mga kaibigan nang makausap siya kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


GIVING SPACE

Nasa personality ba ng dalawa na parang give space muna sa isa’t isa and eventually magkakaayos din sila?
Saad ni Sweet, “Si Kris, ganun. Bilang mas matagal na kaming magkaibigan, yes, ganun siya.
“Space muna and, eventually, magiging okay.

“Actually, bilib nga ako sa kanya. “Kasi, isa si Kris doon sa only a few na nakakagawa ng ganun, yung pag nagpatawad siya, talagang forgive and forget na literal. “Nakakalimutan na niya na may isyu sila nung tao na yun. -- pep.ph

If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>