latest Post

Emosyunal na Vhong Navarro, nagbalik na sa trabaho

Vhong Navarro files perjury raps vs. alleged rape victim. Actor-TV host Vhong Navarro arrives at the Manila RTC on Thursday, March 6, to file a perjury complaint against beauty pageant contestant Roxanne Cabañero, who accused the actor of raping her.


Mahigit isang buwan matapos maospital dahil sa sinapit na pagkakabugbog, emosyunal na nagpakita sa kaniyang programa sa telebisyon si Vhong Navarro nitong Sabado.
 
Sa huling bahagi na ng programang It's Showtime, lumabas si Vhong kung saan sinalubong siya ng iba pang kasamahang hosts at nagyakapan.
 
Nang magsalita, umiiyak na nagpasalamat ang komedyante sa mga suportang nakukuha niya kaugnay ng kaniyang pinagdadaanan. Nais umano niyang personal na makapagpasalamat sa lahat ng sumuporta, nagtanggol, naniniwala at nagdasal para sa kaniya.

 
Sinabi nito na ang mga suportang natatanggap ang nagpapatatag umano sa kaniya. Gayunman, inamin nito na nakakaramdam pa rin siya ng pangamba at nag-aalala rin kung maibabalik ang pagiging masayahin na bagay na kailangan sa isang komedyante.

"Hindi ko alam kung paano ako nakakatayo dito sa harapan niyo. Natatakot po ako e,  natatakot po ako sa lahat ng pinagdadaanan ko sa buhay ko. Hindi ko alam kung ako pa rin yung dating makulit, yung dating masayahin," bahagi ng kaniyang mga sinabi.

Sakabila ng pag-iyak, nagawa pa rin naman ng aktor na magpatawa habang binabanggit ang mga pinapasalamatan. 

"Siyempre sa mga duktor na inalagaan ako sa St. Lukes, salamat po sa inyong lahat. Specially kay Doc Kurt, siya po yung gumawa ng ilong ko na hanggang ngayon pango pa rin," biro ni Vhong.

"Hindi raw po bagay sa akin ang matangos ang ilong. Salamat Doc Kurt ha, walang pagbabago," hirit pa ng aktor.

Kasamang pinasalamatan ng aktor ang mga kaibigan niya na "Kapuso" at "Kapatid" na dumalaw umano at nagpatawa sa kaniya sa ospital.

Nabanggit din ng aktor na mahirap umano na maparatangan ng bagay na hindi niya ginawa.
 
Gabi noong Enero 22 nang sinasabing mabugbog ng grupo ni Cedric Lee si Vhong sa tinutuluyang condo unit ni Deniece Cornejo sa Fort Bonifacio Global City sa Taguig.
 
Ayon sa kampo ni Cedric, inabutan nilang hinahalay ni Vhong ang kaibigan nilang si Deniece at nagpupumiglas kaya nila nasaktan.

Ngunit pinabulaanan ito ng kampo ni Vhong at iginiit na set-up ang ginawang paggulpi sa aktor, na naging dahilan para siya maospital.

Nagsampa ng reklamong rape si Deniece laban kay Vhong, habang iba't ibang reklamo naman kabilang ang serious illegal detention ang isinampa ni Vhong laban sa grupo ni Cedric at Deniece.

May hiwalay pang reklamong rape na kinakaharap si Vhong mula naman sa dating beauty contestant na si Roxanne Cabanero.
 
Itinanggi rin ni Vhong ang paratang ni Roxanne at kinasuhan nito ng perjury ang dalaga. -- F

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>