latest Post

Mag-ingat sa modus ng 'Bubble Gum' gang; taktika ng grupo, na-hulicam

Nakunan ng video sa loob ng pampasaherong bus ang modus ng isang grupo ng mga mandurukot na ginamitan ng bubble gum ang taong kanilang bibiktimahin.


Sa ulat ni Dante Perello sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Miyerkules, ipinakita ang kuha mula sa cellphone camera ni Eric Ogena, ang taktika ng tatlong lalaki na tinawag na "bubble gum" gang habang nasa loob ng bus.

Dahil naghinala sa ikinikilos ng mga lalaki na tatayo at uupo sa bus, kinunan ito ni Ogena hanggang sa nahagip ng camera ang isang lalaki na nakatayo na tinutulungan ang isang babae na nakaupo na tanggalin ang nakadikit na bubble gum sa kanyang buhok.



Pagtigil ng bus sa bus stop, agad na bumaba ang lalaking nakatayo, pati ang mga lalaki na katabi sa upuan ng babaeng nadikitan ng bubble gum.

Pero bago umundar ang bus, sumigaw na ang babae na nawawala na ang kanyang tablet at cellphone at hinabol nito ang mga lalaki sa baba ng bus.

Matapos komprontahin ng babae ang mga bumabang lalaki, isinauli sa kanya ang mga nawawala niyang gamit.

Ang mga lalaki naman, nag-abang ng bagong bus na sasakyan na tila walang nangyari.

Ayon sa pulisya, ang modus ay estilo umano ng "bubble gum" gang na gumagamit ng chewing gum na idinidikit sa kanilang mga biktima para mawala ang atensiyon nito habang kinukuha ang mga gamit ng biktima.

Payo sa ulat, kapag sasakay ng bus, maging alisto at suriin ang mga kasamang pasahero lalo na ang mga katabi.

Kapag naging biktima na, agad na ipaalam sa mga kapwa pasahero ang nangyari at ireport sa pinakamalapit na police station ang insidente. -- GMA News

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>