latest Post

Julie Anne San Jose bibigyan na ng bagong ka-love team ng GMA

Monday, May 5, 2014 0:19
  Naniniwala kami sa buying powers ng fans ni Julie Anne San Jose at kung nagawa ng fans nito na 9x platinum ang kanyang album, kaya rin nilang bumenta nang husto ang Careline cosmetics.

Natuwa si Julie Anne nang malamang based sa survey ng owners ng Careline ang pagkuha sa kan­ya bilang endorser. May dalawa pang pinagpi­lian bu­kod sa kanya, pero lumabas sa survey na siya ang gusto ng respondents na magdala sa produkto. May kasamang TVC ang launching kay Julie Anne na bagay sa kanya ang concept.

Bukod sa bagong endorsement, aabangan din ng fans ang release ng bagong album ni Julie Anne na sa papasok na linggo raw ang release. Ang soap naman niya ay sa third quarter ng 2014.

Kung ganu’n, mauuna siyang mapanood sa dance/talk show ni Marian Rivera dahil kasama raw si Julie Anne at may sarili siyang segment. Ano ang feeling niya tungkol dito?

“Talaga? Hindi ko pa alam ang tungkol diyan, pero kung totoo man, masaya ako. I would love to work with Marian. Sana matuloy!,” excited na sabi ni Julie Anne.

Ang dagdag pang tsika, bibigyan siya ng bagong ka-love team ng GMA 7, kaya patas na sila ni Elmo Magalona na happy kay Janine Gutierrez na kapareha niya sa Villa Quintana.


Discuss more in the comment section.  If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>