latest Post

Jillian Ward returns to TV via My BFF; says she wants to open her own restaurant someday

Sunday, 1st of May, 2014 | 0:29


Nine-years old na si Jillian Ward at kapansin-pansin ang pagpayat ng child actress.

Hindi raw niya ito sinadya.

Sabi niya, “Hindi na po ako mahilig masyadong mag-rice saka ayoko na po sa junk foods at soda hindi na po masyado. Minsan lang po ako nagsu-soda at chocolates.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian nitong nakaraang Martes, May 27, sa pocket presscon para sa upcoming series ng GMA-7 na My BFF na pagbibidahan nina Jillian at Mona Louise Rey.

Sa My BFF ay gaganap si Jillian bilang isang multo.

Noong nakapanayam namin si Jiliian ay naka-thirteen taping days na raw siya.

Paano niya iniarte ang papel ng isang multo? May pinaggayahan ba siya?

Sagot ni Jillian, “Actually, wala po akong ginaya pero napanood ko po kasi yung Ghost, yung kay Patrick Swayze po.

“Ganun po yung role ko po sa kanya so napanood ko po iyon so nagkaroon din po ako ng idea po kung paano ko po gagawin yung gawing mumu, iyon po.”

Sa kuwento ng My BFF ay nasagasaan si Jillian kaya namatay at naging multo.

At dun iikot ang kuwento sa samahan nila ni Mona Louise sa My BFF.

“''Di ba po, eto po kasi 'di ba My BFF po siya, akala po ng tao 'di ba my bestfriend forever?

“It’s ano... my bestfriend is family po. Kasi 'di ba po pag bestfriend mo po siya para mo rin po siyang family?” lahad niya.

May twist ang kuwento ng My BFF na ayaw munang i-reveal ni Jillian.

“Secret po iyon, panoorin niyo na lang po,” sinabi pa ni Jillian na gaganap bilang si Chelsea sa My BFF. —pep.ph

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>