latest Post

Paolo Ballesteros on co-host Marian Rivera: “Kung ano siya dati, ganoon pa rin siya ngayon.”

Sunday, 1 June 2014 | 0:47


Hindi na lamang sa segment ng Eat Bulaga! na "Juan For All" magkakasama sina Paolo Ballesteros at ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Si Paolo ang co-host ni Marian sa kanyang bagong dance show sa GMA-7 na Marian.

Biro nga namin kay Paolo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial nila noong May 26 sa Studio 6, parang si Joey de Leon lang ang peg niya na co-host ng ilang sikat na female actresses noon.

“Baka Roderick Paulate, mga ganun,” natatawang sagot naman niya.

Nagkasama na raw sila ni Marian sa ilang teleserye tulad ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at Dyesebel at ngayon nga sa Eat Bulaga!

Wala namang ideya si Paolo kung si Marian daw ba ang personal na pumili sa kanya.

Natatawang sagot naman niya, “Hindi ko alam, e. Baka sa palabunutan lang. Pa-raffle, yun...”

Magkaibigan daw sila ni Marian at ninang nga raw ito ng anak niya na si Keira.

IMPERSONATIONS. Sanay na rin ang manonood na nakikita siya sa iba’t ibang karakter. Kailan lang nga, may pinost siyang larawan na ang ginaya naman niya ay si Angelina Jolie bilang Maleficent at halos kamukhang-kamukha niya ito.

Siya rin daw ang isa sa nag-make-up sa sarili sa pagiging Maleficent niya.

Sa mga ginawa na niyang karakter, ano ang pinakapaborito niya?

“Kasi, si Angelina, madali ko lang gawin. Kapag nilagyan ko ng lips na malaki, kahawig na agad.

“Pero, ang pinaka-favorite ko kasi, si Mariah Carey. Nakakatawa kasi ang character niya na ginawa ko sa Bulaga.

Sa Marian show, in character din ba siya o bilang si Paolo nga?“Si Angelina kasi, maganda lang siya, pero si Mariah, nagpe-perform. May ginawa ako na wala, nag-whistle-whistle lang ako. So, yun ang pinakagusto ko,” saad niya.

“Hindi, as Paolo 'ko rito, so far,” natawang sabi niya.

May mga preparasyon din siya para sa show?

“Well, unang-una, mga outfit ko, kasi wala naman akong ganito. Pormal-pormalan ang peg.

“Para naman maiba dun sa araw-araw nakikitang pawisan, basa ang kili-kili, naka-shorts, naka-rubber shoes,” pahayag pa niya.

May dance performances din ba siya?

“Yun ang titingnan natin. Kasi as of now, co-host. Baka kapag nag-progress ang show, baka kinakailangan na i-challenge or something,” pakli niya.

Pero, ano ang pinaka-challenge ng show sa kanya?

Sagot niya, “Siyempre, iba ang Eat Bulaga!, talagang nasa labas kami. 'Tapos yun nga, kamukha nito, kailangan kong mag-outfit nang maganda.

“Although, maganda rin naman ang outfit sa Bulaga, pero, hindi mo maiiwasan na paglabas mo e naiinitan ka bilang mainit.”

WORKING WITH MARIAN. Sa "Juan For All" naman, tatlong beses sa isang Linggo nila nakakasama si Marian.

Kumusta naman ito?

Pakli niya, “Hayun, luka-luka rin kaya walang mabigat, masaya lang.”

Hindi sila naninibago nina Jose Manalo at Wally Bayola na may kasama sila ngayon bilang sanay na rin sila na silang tatlo lang lagi?

“Siyempre, parang, 'Teka, babae ‘to, kailangan alagaan natin ‘to.' Pero, kapag nandoon na, kausap na namin ang winner, wala, parang normal lang na kausap namin.

“Nilapitan nga yung may bulutong,” sabi pa niya tungkol kay Marian.

Mas okey ba ngayon ang pagtanggap sa kanila ng tao na kasama nila si Marian?

“Oo,” mabilis naman niyang sagot.

“Kapag narinig pa lang nila sa barangay na pinapatugtog yung 'Sabay-Sabay Tayo,' naglalabasan na sila, tugtog pa lang yun, ha.” —pep.ph


About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>