latest Post

Ama ni Mark Herras, pumanaw na

Ayon sa Pep.ph ang litrato ay kuha "noong sanggol pa lamang si Mark, na nakasakay sa stroller, kasama si Daddy Jun sa gitna ng isang kalye."

Tuesday, 29 July 2014 | 9:53

Pumanaw na ang ama ni GMA Kapuso star Mark Herras, ayon mismo sa actor Martes ng madaling araw sa pamamagitan ng kanyang sariling Twitter at Instagram accounts.
 
"Thank you dad for everything.... Salamat sa lahat ng mga magagandang alaala na iniwan mo sakin... Kung papaano mo ako pinalaki,inalagaan at minahal," sinabi ni Mark ukol kay Mr. Claudio Herras, Jr.
 
Hindi binanggit ni Mark kung ano ang sanhi ng pagpanaw ng kanyang ama. Inaalam pa ng Pep.ph ang mga detalye nito at ng burol.

Kalakip sa Instagram post ni Mark ang isang lumang litrato ng kanyang ama.
 
Iniulat rin ng Pep.ph na "(h)indi man si Daddy Jun ang tunay na ama ni Mark, mula pagkabata ay ito na ang nag-aruga at nagpalaki sa Kapuso actor."
 
"Nasangkot sa isang pyramiding scam noon si Daddy Jun, kung kaya’t sumali si Mark sa reality-based artista search ng GMA na StarStruck sa pag-asang makatulong financially," dagdag pa ng Pep.ph.

Si Mark ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor.

Pasasalamat ni Mark
 
"27 years kitang kasama dad, hindi ko alam kung paano ako gigising sa umaga at matutulog sa gabi ngayong alam kong wala ka na... Ikaw ang bumibili sakin ng mga gamit ko mula noon hanggang ngayon lalo na pag biglaan... Dad mahal na mahal kita at maraming salamat po sa lahat... Iloveyou daddy jun," dagdag pa ni Mark.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/372398/showbiz/ama-ni-mark-herras-pumanaw-na

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +