latest Post

Gabby Eigenmann, suwerte sa bakla @gabbyeigenmann

Saturday, 12 July, 2014 | 23:59 by Fernan de Guzman

MUKHANG SINUWERTE itong si Gabby Eigenmann sa kanyang bagong role na baklita sa seryeng Dading ng GMA 7.


Malakas ang dating nito at pumapalo sa ratings. Isa lang ang ibig sabihin nito na maganda at malinis ang pagkakadirek ni Ricky Davao. Kaya naman mataas ang ratings ng said show.

At pati ang LGBT community ay talaga namang nakatutok sa kanila. Nakaw-eksena rin ang role ni Gardo Verzosa na isa ring bading.

“Sobrang nagpapasalamat ako at nagtiwala sa akin ang GMA 7,” sabi ni Gabby.

Ibig sabihin nito na nangingibabaw pa rin ang mga tunay na mga artista. At isa na nga si Gabby.


About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +