latest Post

Marian Rivera on ratings of musical dance show: “Anuman ang kahinatnan niyan, anuman ang ratings niyan, importante, masaya kami.

Sunday, 13 July, 2014 | 0:15 by Rose Garcia


Patuloy pa ring napapanood si Marian Rivera bilang isa sa Dabarkads ng Eat Bulaga, partikular na ang sa segment na “Juan For All.”

  Kasama ni Marian sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros habang pumupunta sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Napapanood siya na “down-to-earth” makisalamuha sa mga tao at ngayon lang daw natuklasan ng mga manonood ang ganitong katangian niya. 

Sabi naman ni Marian, “Well, sa Eat Bulaga kasi, wala talagang script, on-the-spot. Kung ano ang nangyayari, yun talaga ang reyalidad.  So, masaya ako na maging parte ng Eat Bulaga at wala namang artista na hindi gugustuhin na pumunta sa Eat Bulaga.

 “So, napaka-blessed ko na isa ko sa nandoon na at nasa Juan For All pa ko kaya sobrang ine-enjoy ko talaga siya.”

 Tuwing Sabado ng gabi ay patuloy pa rin siyang napapanood sa kanyang dance show na Marian. Masaya raw siya sa mga nagagawa nila rito.

 Ayon nga kay Marian, “Happy ako. To be honest, happy ang buong team namin sa nangyayari sa Marian although, aaminin ko na mahirap palang magka-dance show talaga. Kasi, sa isang segment, apat o limang sayaw yung nire-rehearse ko. 

“E, sa isang araw, dalawang episodes yung tine-tape ko. So, magme-memorize ako ng 8-10 na prod number. E, yung rehearsal ko lang, tatlong araw. After ng Eat Bulaga, pupunta ako sa GMA para mag-rehearsal. “Kaya sabi ko nga, lalong lumaki yung respeto ko sa mga dancers na nahihirapan at bumubuo ng konsepto talaga. Enjoy akong kasama ang team ng Marian. Tapos, wala, masayang sumayaw, e. 

 Anuman ang kahinatnan niyan, anuman ang ratings niyan, importante, masaya kami. “At importante sa akin na masaya ang GMA sa resulta ng Marian.”

 Kinamusta rin namin sa kanya kung may balita na ba sa posibleng bagong primetime series na gagawin niya.

 Ayon kay Marian, “Kakausapin nila ko dapat last week, kaso, hindi ako naging puwede dahil sobrang busy nga ng schedules ko na dire-diretso talaga. “Baka next week kakausapin nila ko, ipi-present nila sa akin yung ino-offer nilang show. 

Pero, tatapusin ko muna ang Marian kasi, 13 weeks lang talaga ang pinirmahan ko. Hindi ko kakayanin ng matagal. Ang dami-dami kong pasa talaga,” natatawang sabi na lang ng Kapuso actress. 

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +