latest Post

Polo Ravales reveals negotiating with ABS-CBN for possible transfer

Wednesday, 9 July, 2014 | 0:09 by Nonie Nicasio/PEP.PH


Aminado si Polo na nakikipag-usap siya ngayon sa ABS-CBN dahil tapos na ang kontrata niya sa GMA. 

"Last year pa, kaya nang ginawa ko ang Kambal Sirena, hindi na ako nakakontrata sa kanila,” sabi niya.
 So, posibleng very soon ay maging Kapamilya na siya?



 “Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa meeting namin, hindi ko alam.

 "For me, kung saan sa tingin ko ako mabibigyan ng magandang role, ng magandang trabaho, doon ako. “But, of course, I’ll be forever thankful sa GMA. 

"Hindi ako Polo Ravales kung wala ang GMA-7," sabi niya. 


Kung sakaling lumipat siya sa ABS-CBN, sino ang gusto niyang makatrabahong artista doon?
 

“Sino nga ba?” sagot niya habang nag-iisip. “Sina Bea [Alonzo], si Maja [Salvador], at saka si Angel [Locsin].”


Si Angel, nakatrabaho niya na dati sa GMA, ‘di ba?
 “Oo, sa Majika, nakasama ko na noon si Angel.”
 So, posibleng magkaroon sila ng reunion ni Angel sa ABS-CBN?


 “Oo, at pati si Iza Calzado rin, ‘di ba? Nagkasama na rin kami sa GMA noon.” 




Ang tinutukoy niya ay ang telefantasyang Encantadia noong 2005.
 Bakit naman nasabi ni Polo na gusto niyang makatrabaho rin sina Maja at Bea?




 “Magagaling sila, magagaling silang artista, and it would mean a lot to me kapag nakatrabaho ko sila. 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>