Friday, July 25, 2014 | 23:08
Mabilis na kumalat sa social media ang post sa Facebook at Twitter tungkol sa pagkamatay umano ng aktor at host ng Eat Bulaga! na si Vic Sotto. Tila nakadagdag pa sa pag-aalala ng kaniyang mga tagahanga ang hindi paglitaw ng komedyante sa naturang programa nitong Biyernes ng tanghali.
"Paalam Na Bossing. Salamat sa Maraming Taon mo Sa Eat Bulaga," nakasaad sa post sa Facebook at kumalat din sa Twitter.
Bagaman marami ang kombinsido na kalokohan ang naturang post at posibleng may virus o spam na nakapaloob kapag na-click ang link, mayroon pa rin mga nag-alala at nais malaman kung ano talaga ang nangyari sa "Bossing" ng mga dabarkads.
@gmanews there was an issue spreading about bossing vic sotto. is true? Omg
— torikelly (@chrisjycd) July 25, 2014
Is it real?? Vic Sotto is dead? Or its just another celebrity killed by Twitter and Facebook. This is not funny.. but hahaha anyways.
— Jellylay (@Iamjellylay) July 25, 2014
Ano ba yun, bakit may kumakalat na picture at balita na patay na si bossing vic sotto? It's not true naman diba?
— Crystal Irish (@chrissywisheart) July 25, 2014
Grabe talaga mga taong walang magawa sa buhay. Pati si Vic Sotto, PINATAY na ng mga walanghiya sa FB and Twitter. HOAX na naman ito.
— K.R. Bautista (@BoffoChard) July 25, 2014
Vic Sotto Death Hoax: Once clicked, the link redirects to a trojan virus-infected webpage http://t.co/D80lsA8Wxg
— The Daily Pedia (@TheDailyPedia) July 25, 2014
Utang na loob di pa patay si Vic Sotto!!
— Nam nam (@namiyer) July 24, 2014
Sa isang text message sa GMA News Online nitong Biyernes, pinabulaanan ni Ms. Malou Ochoa-Fagar, executive vice president, TAPE Inc., namamahala sa Eat Bulaga!, na walang katotohanan ang naturang post sa social media tungkol kay Vic.
"My gosh! It's a hoax. Absent lang siya," ayon kay Ms. Malou.
Vic at Vice noon
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng mga mapanlinlang na post sa Facebook tungkol kay Vic.
Kamakailan lang ay kumalat din sa social media ang post na umano'y minura ni Vic ang komedyanteng si Vice Ganda.
Pinalitaw na ang naturang post ay tugon ni Vic sa isa pang mapanlinlang na post na pinalabas na galing naman kay Vice na sinabihang laos daw si Vic.
Nilinaw na ni Vice na walang katotohanan ang naturang mga post sa Facebook.
Sa isang ulat ng Philippine Entertainment Portal, sinabi ni Vice, “It’s a hoax.
“Dalawang bersyon ‘yan...
“Ang unang lumabas sa FB, 'Vice Ganda Sinabihan si Bossing na Laos na.'
“Nakarating sa amin yun pero pag clinick mo yun, 'di siya nao-open.
“Tapos yung pangalawa naman, 'Vic Sotto Pinagmumura si Vice Ganda,' na pag clinick mo rin ay walang lalabas.
“Parang sa text dati, may kumalat na link na pag binuksan mo, may nakalagay, sex video nila Cristine and Rayver 'tapos wala naman. Gawa-gawa lang ng mga praning.” -- FRJimenez, GMA News
0 comments:
Post a Comment