latest Post

Dennis Trillo nilinaw ang balitang nagkabalikan na sila ni Jennylyn Mercado

Wednesday, 6 August 2014 | 23:53


Masaya si Dennis Trillo na naging matagumpay ang gala screening ng pelikula niya sa Cinemalaya na "The Janitor." Sinagot na rin ng aktor ang mga naglalabasang balita na nagkabalikan na sila ni Jennylyn Mercado
 
Sa ulat ni Lhar Santiago sa GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabing masaya sina Dennis at actor-director na si Ricky Davao sa magkasunod na gala screening ng kanila-kanilang pelikula sa Cinemalaya.

Ang mga idini-direk ni Ricky sa Kapuso soap na "Dading" na sina Glaiza de Castro, Benjamin Alves at Chynna Ortaleza, sumuporta sa kanya sa new breed entry na "Mariquina".

Sa premiere naman ng "The Janitor," present ang co-stars ni Dennis na sina LJ Reyes, Richard Gomez at si Ricky.

Nandoon din ang asawa ni Richard na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Dumating din ang ilang opisyal ng GMA Network sa pangunguna ni GMA Entertainment TV Senior Vice President Lilibeth Rasonable, at mga direktor na sina Joel Lamangan at Jose Javier Reyes.

Nakatawag din ng pansin ang pagdating ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para suportahan hindi lang si Dennis kung hindi pati na ang direktor ng pelikula na si Mike Tuviera.

"Masarap yung pakiramdam na makagawa ng panibago, malayo dun sa palagi mong ginagawa, " ani Dennis.

Kasabay nito, itinanggi rin ni Dennis ang balitang nagkabalikan sila ni Jennylyn nang may makakitang magkasama sila sa isang five star hotel sa Ortigas.

"Maayos naman kasi kami, magkaibigan pa rin naman kami kaya siguro nami-misinterpret ng iba. Akala nila nagkabalikan," anang aktor.

"Hindi naman porke't maayos na, ibig sabihin balik na kaagad sa relasyon," dagdag ni Dennis.
 
Sobrang busy daw si Dennis ngayon sa trabaho kaya malabong magkaroon siya ng panahon sa love life ngayon.

Bukod sa nagsimula na siyang mag-taping para sa bagong Kapuso soap na kinabibilangan nina Kris Bernal at Lauren Young, gagawin din ni Dennis ang Metro Manila Film Festival entry na "Shake Rattle and Roll XV". 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>