latest Post

Lalaki patay matapos saksakin dahil sa kantang "My Way"

Thursday, 07 August 2014 | 0:31

         Photo c/o 24 Oras/ GMA News

Isang lalaki sa Legazpi City sa Albay ang patay matapos saksakin ng kapwa construction worker ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA News. 

Good time lang daw sana pagkatapos ng maghapon na trabaho subalit nagka agawan daw ng microphone ang dalawang lalaki ng tumugtog na sa videoke ang kantang "My Way" ni Frank Sinatra.

Pagbalik sa contsruction site sinaksak na lang daw bigla ni Sammy Dacutanan Jr. ang kasamahang si Policarpio Ricamara. 

Hustisya naman ang sigaw ng mga mahal sa buhay na naiwan ni Policarpio. Ayon sa kanyang asawa, na si Leah Ricamara magpakita na lang daw ang suspect at magpa kulong ng habambuhay.

Marami rami na ding nasawi dahil sa Kantang "My Way" kaya naman sa ulat ng isang international media marami daw sa mga videoke ay tinanggal na ang kantang "My Way" sa kanilang song book.



About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>