latest Post

Mommy Dionisia Pacquiao inamin na meron na siyang boyfriend na ang pangalan ay....

Saturday, 09 August 2014 | 1:31


"Si Michael.”

Ito ang pangalan ng 40-anyos na lalaking nagpapatibok ngayon sa puso ng 65-anyos na si Mommy Dionisia Pacquiao, ang ina ng Pinoy boxing icon at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sa artikulong isinulat ni Bernie V. Franco na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Huwebes, sinabing ginawa ni Mommy Dionisia ang pag-amin sa news program na Bandila.

Ayon kay Mommy D, si Michael ang naging escort niya sa nakaraan niyang kaarawan.

Inilarawan niyang mabait ang lalaki at kalaunan ay pinansin na rin niya ito.

Nilinaw din ng tinaguriang "PacMom" na hindi pa sila nagsasama ni Michael at nasa proseso pa lang siya ng lubos na pagkilala sa lalaki.

Ayaw umano niya magpadalos-dalos dahil may plano rin umano si Michael na magtrabaho sa ibang bansa.

"Huwag magpadalus-dalos sa lahat ng mga nanliligaw, kasi marami ba 'yang magsasabi na, 'Mahal taka,' pero binigkas lang sa labi," ani Mommy Dionisia sa ulat.

"Hindi tayo makatungkad sa puso kung totoo ba, kung tunay na tunay," dagdag pa nito na nagsabi ring malungkot ang walang kasama sa buhay.

Nauna nang naiulat ang tila pagtutol ni Rep. Pacquiao sa bagong karelasyon ng kaniyang ina lalo na sa plano umano nitong pagpapakasal. 

Inamin din ni Mommy Dionisia na sa kaniyang mga anak, tanging si Manny lang ang nagpahayag ng pagtutol sa pakikipagrelasyon nito kay Michael.

"Isa lang ang naghahadlang, si Manny lang. Ang sabi niya sa akin, 'ayaw ko sana.' Wala silang magawa, gustong-gusto ko 'to, kagustuhan ko 'to. Nagkausap na kaming dalawa," ayon kay Mommy D.

Sa ngayon, wala pa naman daw silang balak ni Michael na magpakasal. Pero tiyak daw siya na kaloob ng Diyos ang nobyo para mayroon siya ng makakasama.

"Wala kaming plano pa. Ang importante nag-enjoy kaming dalawa na minahal niya ako, minahal ko rin siya," ani Mommy Dionisia.

Mensahe niya sa nobyo na may kasama pang flying kiss: "I love you honey. Magpaka-strong ka diyan. Ingat ka.I love you, honey." 

Reference


About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>