latest Post

Dingdong Dantes nag propose kay Marian Rivera on Live television

Saturday, 09 August 2014 | 23:06


Sa isang live episode ng "Marian" ang weekly dance show ni Marian Rivera sa GMA Network ay sinurpresa ni Dingdong Dantes ang kasintahang si Marian Rivera ng mag propose ito sa kanya.

Emosyunal naman na tinganggap ni Marian ang proposal ng kanyang kasintahan na ikinatuwa naman ng maraming Dongyan Fans na nasa studio.

Habang hawak ni Dingdong ang mga kamay ni Marian ay sinabi niya ito. 

“May isang bagay na malinaw sa’kin, is that I wanna spend the rest of my life with you. Kaya ngayon, saksi ang mga mahal natin sa buhay, gusto kong ipagsigawan sa buong mundo, na ikaw ang sagot sa aking mga dasal. That’s why tonight, I offer you this gift, on your birthday, something that’s beyond any material thing or tangible one, but I offer you myself, my love, today and all the days of my life. Please, Marian, will you be my wife?”

Ginawa ni Dingdong ang proposal sa celebration ng birthday ni Marian sa kanyang show. Kung saan guest din ang kanyang mga magulang, lola at ilang malalapit na kaibigan. Gayundin ang pamilya ng aktor.
 
Ayon kay Marian, handa niyang ibigay ang lahat kay Dingdong, kahit ilang anak at kahit na lumalaki pa ang kaniyang katawan.

Dahil sa surpresang ginawa ng aktor, nalaman na rin ni Marian kung bakit tila umiiwas itong makipag-ugnayan sa kaniya bago ang araw ng guesting nito sa programa.

Ipinaliwanag naman ni Dingdong na #LastDance ay nagsilbing huling sayaw ni Marian bago maging Mrs. Marian Dantes.


 Ang engagement ring na binigay ni Dingdong kay Marian


Reference

• http://gmanetwork.com/news/story/374136/showbiz/chikaminute/dingdong-at-marian-engaged-na

• http://www.gmanetwork.com/community/articles/2014-08-09/1462/DongYans-co-stars-overjoyed-with-the-surprise-royal-engagement

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>