latest Post

Billy Crawford at Coleen Garcia hindi muna mapapanuod sa It's Showtime

Monday, September 8,  2014 | 11:52pm by ADMIN


 Dahil sa nangyari kay Billy Crawford pansamantala muna siyang hindi mapapanuod sa noontime show na It's Showtime pati na din ang kasintahan nyiyang si Coleen Garcia.

Inanunsiyo ito ng co-hosts ng magkasintahan sa programa kaninang tanghali, September 8.
 
Pahayag ni Kim Atienza, “Alam nating lahat kung ano ang nangyari sa kapatid nating si Billy.
 
“In the meantime, hindi muna natin siya makakasama dito sa Showtime, madlang people.”
 
Nag-alay naman ng maikling dasal ang mga kasamahan ni Billy sa programa para sa kanya.
 
Samantala, nagbigay rin ng mensahe ng pagsuporta ang mga co-host nina Billy at Coleen sa "It’s Showtime" kanina.
 
Sabi ni Vhong Navarro, “Kuya Billy, pahinga ka muna. Nandito lang kami para sa 'yo. Hindi ka nag-iisa. We love you.”
 
Si Anne Curtis ay nagpaabot naman ng mensahe para kay Coleen, “At ang isa pang kulang dito, Coleen, baby girl, okay ka lang diyan. Just take a rest and we’ll be here for you as well.”
 
Nakalaya na mula sa kulungan si Billy matapos makapag piyansa kaninang hapon.

Sa ngayon wala pang pahayag ang kampo ni Billy kung kailan siya magbabalik sa noontime show. Ganun din ang kampo ni Coleen na kasintahan ni Billy.

Matatandaan na nadawit ang pangalan ni Coleen matapos siyang mag tweet ng laban sa isang news organization na walang katotohanan ang inilalabas nitong balita laban sa kasintahan. 

Source

• http://www.gmanetwork.com/news/story/378294/showbiz/billy-crawford-coleen-garcia-pahinga-muna-mula-sa-kanilang-noontime-show

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +