latest Post

Postscript ni Jessica Soho: Tibok ng Puso

Uso pa ba ang harana? Iyan ang tanong ng isang kanta. Marahil hindi na pati na ang love letters dahil ang uso ngayong ligawan ay 'yung mabilisan. Instant at real time ikanga. Text-text kung may time, email, Facebook update, tweets sa Twitter. 
 
Ang hindi mawawala sa uso ay ang pagiging romantiko ng mga Pilipino. Kahit pa sinasabing commercialized ang Valentine's Day, mabenta pa rin ang rosas at tsokolate.
 
Pero ano nga ba nagpapatibok sa puso ni Maria at Pedro? 
 
Base sa pag-aaral ng Social Weather Stations, 9 sa kada 10 Pilipino ang pipiliin ang taong kenkoy o iyung palabiro kesa sa iyung may maamong mukha. Sense of humor kesa looks. 
 
Marahil patunay ito na love is blind. Nakakagulat lang lalu na't marami sa atin ang banidoso't banidosa.
 
Pero ang kagandahan at kaguwapuhan kumukupas. Ang importante ay komunikasyon at koneksyon sa isa't isa.
 


Ang “Postscript” ay binabasa ng anchor na si Jessica Soho sa dulo ng mga “SONA” newscast sa GMA News TV. 

Source: GMA News

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>