Ilang kasamang artista na ang nakakapansin na 'yung linis ng itsura, ganda ng katawan, kinis ng mukha at talagang anak-mayaman ang peg at higit sa lahat--gwapo at hindi mukhang cartoon character-- ay iisa lang talaga ang kanilang reklamo: "Mama Ogs, ambaho talaga ng hininga niya!"
Nagtaka ako. Ano? 'Yung mukhang 'yon? Aba, eh ang ganda kaya ng ngipin ng batang ito, tapos, bad breath?
"Pag
nagsipilyo naman ngayon, maya-maya, umaamoy na naman ‘pag nagsasalita.
Siguro, kahihitit niya ng e-cigar, saka 'yung klase ng diet na ginagawa
niya, kaya 'yun ang resulta. Hindi naman sa ngipin 'yon, kasi ‘di ba,
wala naman siguro siyang bulok at maganda ang ngipin. So sa loob na
talaga ng tiyan 'yon galing. Sa set nga, nagtuturuan na kami kung sino
ang dapat magsabi sa kanya, eh. Kung 'yun bang ka-loveteam niya o kami
na. Kasi, 'yun ang pinakamahirap eh. Ang sabihin du'n sa kaibigan mo na
bad breath siya, baka balikan ka naman na, 'Ikaw nga, mabaho din, eh.'
Hahahaha! Kaya hindi talaga alam sa set kung paano sasabihin 'yon sa
kanya," kwento ng mga nakakasama nito.
Sabi ko
nga, baka sa pamamagitan ng blind item na ito ay makarating na sa
guwapong bagets na ito na 'yung hininga na niya ang pinag-uusapan sa
set. Ganito na lang siguro, para mahulaan n'yo ang identity ng bagets na
ito na may billboard sa Edsa endorsing a brand of hehehehe, dahil nga
galing sa angkan ng mga taga-showbiz eh bibigyan ko kayo ng downpayment
sa clue. Basahin n'yo uli from the top.
Pero kung magulo na magulo na ang clue as nalilito na kayo eh hello! Sino 'to? -- push.ph
If you like this story. Please share it. Thank you!
0 comments:
Post a Comment