Aminado si Vin Abrenica na posibleng maikumpara ng publiko ang tambalan nila ni Alwyn Uytingco sa Beki Boxer sa sumikat na tambalan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover.
Ito ay sa kadahilanang gumaganap si Vin na love interest ni Alwyn, na isang closet gay sa upcoming primetime series ng TV5.
Ngunit iginiit ni Vin na kailangan muna niyang patunayan ang galing niya sa pag-arte bago makamit ang tagumpay ng natamasa nina Dennis at Tom noong nakaraang taon.
Saad ng Kapatid young actor, “Idol ko talaga sila. Sumaludo ako sa show nila.
“Kung maku-compare kami, hindi ko maaalis yun.
"Pero para sa akin, I’ll do my best. “I know na may napatunayan na sila. I have to prove myself first.
"We [he and Alwyn] have to prove ourselves in the show."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin pagkatapos ng presscon proper ng Beki Boxer na ginanap sa Oasis ngayong araw, March 25. Bagamat sa March 31 pa ipalalabas ang naturang serye, excited na ibinahagi ni Vin na ngayon pa lang ay mayroon nang sumusuporta sa "tambalan" nila ni Alwyn.
“I heard meron na sa Twitter. Actually, ang narinig ko nga VinWyn. Nagulat ako.” Malaking bagay rin para kay Vin na imbes na isang beses kada linggo lang ang kanilang programa ay nagdesisyon ang TV5 management na gawin itong daily primetime show.
“Actually, my biggest break so far is Never Say Goodbye [2013] and Misibis Bay [2013].
“Pero sa lahat, ito [Beki Boxer] yung pinakamagandang feedback na kinu-congratulate nila ako na nagustuhan nila [kahit teaser pa lang]. “Kahit yung mga boss, kinakausap ako about it. -- pep.ph
If you like this story. Please share it. Thank you!

0 comments:
Post a Comment