Ikinagulat ng mga nagsisimba si Shrine of the Divine Mercy sa Marilao Bulacan, ang kuha ng cctv camera sa harap ng altar nito. Nakita kasi sa footage ang tila imahe ni Hesukristo.
Sa ulat ni Vonne Aquino sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing bagong kabit lang ang mga cctv camera sa simbahan at kaagad na nakakuha na ito ng kakaibang pangyayari.
Sa footage na kuha noong March 3 dakong 9:00 p.m., makikita ang pigura na nabuo sa harap mismo ng altar na tila isang imahe ni Kristo. Nang i-zoom ang video, makikita rin na tila may kamay, paa, at mukha ang imahe.
Ang mga tao na nasa paligid nang sandaling iyon, tila hindi naman batid ang nabuong pigura.
Nang patayin na ang lahat ng ilaw dakong 11:00 p.m., hindi pa rin nawala ang pigura at nanatili hanggang kinabukasan ng umaga.
Para sa mga tagapangasiwa ng simbahan, isa itong pahiwatig ng pagmamahal ng Diyos sa mga tao at paalala na magbalik-loob sa kanya.
Ipinasuri ng GMA News ang video sa isang eksperto, na nagulat din sa nakita. Pero paniwala niya, maaaring nabuo ang imahe sa sinag ng ilaw na tumama sa isang bagay.
"Ang possibility na una kong nakita, pwedeng light sources siyempre may tinamaan na shape like tumama sa silya, kung saan man tumama tapos nag-land sila diyan so nabuo sila nagmukha silang, 'yan, 'yan image nga," paliwanag ni Clyde Villegas, video expert.
Ano man daw ang paliwanag ng siyensya, malinaw para sa mga deboto at mga tauhan sa simbahan na ito ay mensahe ng panginoon na magnilay-nilay ngayong panahon ng kwaresma.
Source gmanews
0 comments:
Post a Comment