latest Post

Anne Curtis visits office of BIR Commissioner Kim Henares; may face tax evasion charges

Friday, April 11, 2014 12:58 AM

           

Kinumpirma ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na bumisita sa kanyang opisina ang aktres na si Anne Curtis ngayong linggo, ngunit hindi sila nagkita dahil wala sa kanyang tanggapan ang commissioner noong oras na iyon.

Pahayag ni Commissioner Henares sa ABS-CBN News Online ngayong araw, April 10, "I was informed she went to BIR but I was not there.

"First, she did not have any appointment with me.

"Second, I have appointments outside of the Bureau."

Tumanggi naman ang BIR commissioner na ibunyag ang dahilan ng pagbisita ni Anne sa kanyang tanggapan.

"Wala akong puwedeng sabihin... Dapat tanungin niyo na lang si Anne Curtis bakit siya pumunta sa opisina ko.

"Ako, hindi ako puwede magsalita."

May ilang sources ang ABS-CBN na nagsabing may kinalaman ang pagpunta ni Anne sa BIR office dahil sa naisyuhan ng letter of authority (LOA) ang aktres para sa “alleged tax deficiencies” nito.

Sinabi na ni Commissioner Henares noon na kapag nakatanggap ng LOA ang tax evaders, hindi na nila maaaring amyendahan ang kanilang income tax returns (ITRs) at posibleng maharap sila sa civil o criminal cases dahil sa tax evasion.

"O kaya, kung hindi kayo nakapag-file, hindi na puwede kayo mag-file.

"So, kung ano ang resulta nun is another conclusion."

Ayon naman sa impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kabilang si Anne sa maraming bilang ng mga artistang sasampahan ng kasong tax evasion ng BIR. -Pep.ph


About Unknown

Unknown
Recommended Posts ×

0 comments:

Post a Comment

} //]]>