latest Post

Mary Jean Lastimosa confident about winning the Miss Universe crown

Friday, April 11, 2014 12:13 AM


Hindi pa raw nagsi-sink in kay Mary Jean Lastimosa na siya ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2014.

Ito ang pahayag ng bagong beauty queen nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, sa presscon na ipinatawag ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., para sa bagong batch ng Binibining Pilipinas winners noong April 2 sa Araneta Center.

Kinoronahan si Mary Jean sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2014 na ginanap noong March 30 sa Smart-Araneta Coliseum.

Bukod kay MJ (palayaw ni Mary Jean), ang iba pang mga nagwagi ay sina Mary Anne Bianca Guidotti (Bb. Pilipinas-International 2014), Yvethe Marie Santiago (Bb. Pilipinas-Supranational 2014), Parul Shah (Bb. Pilipinas-Tourism 2014), at Kris Tiffany Janson (Bb. Pilipinas-Intercontinental 2014).

Runners-up naman sina Laura Lehman at Hannah Ruth Sison.

Si MJ ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2014.

Sabi ni MJ tungkol sa kanyang pagkapanalo, “Actually, ngayon po, gusto muna naming i-embrace yung thought na nanalo kami, kasi masyadong mabilis ang lahat, e.

“’Pag nagpa-pressure kami agad sa preparation for international pageant, baka mawala yung confidence, which is very important sa international pageant namin.

“So, as of now, relax muna, inhale-exhale muna, para maging ready bago kami mag-umpisa sa mga trainings namin.”

Nitong nakalipas na apat na taon ay nakapasok ang Pilipinas sa Top 5 ng Miss Universe: Ma. Venus Raj (4th runner-up, 2010), Shamcey Supsup (3rd runner-up, 2011), Janine Tugonon (1st runner-up, 2013), at Ariella Arida (3rd runner-up, 2013).

Kaya ang tanong kay MJ oaykung may pressure ba siyang nararamdaman sa pagsabak niya sa Miss Universe, o confident siyang masusungkit na ng Pilipinas ang korona sa pagkakataong ito?

Sagot ng 26-year-old beauty queen, “Actually, hindi pa nagsi-sink in, e.

"Kasi gusto ko pa munang i-savor muna yung moment na nanalo ako in this pageant, e.

“Confident ako sa mga taong nakapaligid sa akin.

“Alam kong alam nila na kung ano yung dapat kong gawin, kung paano ko maipapanalo ang Miss Universe crown.

“Mrs. Araneta told me that I can bring home the crown.

“I’m not saying that I’m positive... I’m not so sure unless they call our country.

“Hangga’t wala pa po yung pageant, magiging positive ako na makukuha ko.”

Si Mrs. Stella Marquez-Araneta ang pageant director at organizer ng Binibining Pilipinas.

Ano sa tingin ni MJ ang mga dapat niyang gawin upang maiuwi ang korona ng Miss Universe?

Tugon niya, “Well, I’m not perfect.

"There’s a lot of room for improvement for me, ang dami ko pang dapat matutunan.

“So, excited po ako doon at confident naman ako.

"At alam ng Binibini kung ano pa yung dapat kong gawin or dapat ko pang baguhin, kung meron man, para maging mas handa pa ako sa Miss Universe pageant.”

Ano naman ang masasabi ni MJ sa suportang ibinigay sa kanya ng mga kababayan niya sa Tulunan, North Cotabato?

“Sobrang pinagpe-pray ko na maiuwi ko yung crown ng Miss Universe this year, kasi magiging inspirasyon po ito sa buong Cotabato.

“Actually, centennial year ng buong Cotabato, hindi lang po ng North Cotabato,” banggit niya. -- Pep.ph

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>