Sunday, April 20, 2014 11:51PM
Walang duda na si Ryzza Mae Dizon na nga ang hottest child superstar sa loob at labas ng bansa ngayon.
Napatunayan namin ito nang mag-show ang grupo ng Eat Bulaga sa Toronto, Canada, last week, kung saan napakainit na tinanggap ng ating mga kababayan ang bagets at ang buong dabarkads ng Eat Bulaga.
Bukod sa dalawang Rimowa luggages na bitbit niya courtesy of Kris Aquino, nag-uwi rin si bagets ng balikbayan box na puno ng regalo mula sa fans -- chocolates, stuffed toys, damit, atbp.
Ang daming nagkakagulo para magpa-picture kahit saan siya magpunta.
Pati ang Italyanang lady security ng Sony Centre for the Performing Arts, nainlab at kinagiliwan si Aling Maliit.
Pinahiram niya ito ng jacket at niyaya pang bisitahin ang kanilang security office.
Bukod kay Ryzza, natural na big favorites din ang triumvirate nina Tito, Vic at Joey -- ang mga hari ng local noontime TV show.
Malakas din ang hatak ng Dabarkads na sina Allan K, Julia Clarete, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Anjo Yllana, Keempee de Leon, Ruby Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola, Jimmy Santos at ang EB Babes.
Sold out ang Eat Bulaga Live in Toronto at sumusuka talaga sa dami ng tao ang 3,200-seater Sony Centre for the Performing Arts.
Alas-kuwatro ang show, pero maaga pa lang, may pila na sa labas ng venue. Nakabibingi ang hiyawan at palakpakan.
Damang-dama ang init at pananabik ng ating mga kababayan na makita nang personal ang buong Eat Bulaga group.
Kung saan-saang lupalop nanggaling ang audience, ha. May nakita pa nga kaming ilang senior citizen na nanood at nakipagsiksikan mereseng naka-wheel chair.
Sa totoo lang, nakakikilabot ang atmosphere sa loob ng Sony Centre, lalo na nang patugtugin ang Eat Bulaga theme. Parang nasaniban ang ating mga kababayan. Hahaha!
Hindi namin ma-describe ang pagmamahal na ipinadama ng Pinoy community sa team Bulaga, lalo na nang isa-isa na silang maglabasan sa stage.
Maging sina Allan at Anjo, umaming tinamaan at medyo naging emosyonal sa warmth ng Pinoy community sa Toronto.
As expected, well-applauded ang bawat number, lalo na ang Cha-Cha Dabarkads at Look Up, Look Up na pinasikat ni Ryzza. Ang romantikong Michael Buble medley naman ng TVJ (You’ll Never Know, You Make Me Feel So Young at The Way You Look Tonight) at OPM medley (Disco Fever, Ipagpatawad Mo at Rock, Baby, Rock), ikinakilig, tinilian at sinabayan ng ating mga kababayan.
Click din sa audience ang skit nina Jose, Wally at Ryzza ng Freddie Aguilar original hit na Anak. Kung anu-ano kasi ang in-emote ng bagets sa stage kaya cute na cute sa kanya ang audience.
Ang hindi nila alam, kinarir ng mga taga-Bulaga na ’wag dalawin ng jetlag si Ryzza. Inaatake kasi ito ng antok tuwing hapon.
Kaya, nakipaglaro sila rito ng taguan at kung anu-ano pa. In fairness, alaga rin ng producers sa pagkain ang hosts. Si Ryzza, ipinagluluto at hinahatiran ng kanin at adobo sa hotel.
Tsika ni Mommy Rizza, walang ibang kinain ang anak kundi iyon. “Pinagtitiyagaan namin kahit malamig, kasi ayaw niya (Ryzza) kumain ng iba,” aniya pa.
All in all, masaya at sobrang successful ang kauna-unahang pagtatanghal ng Eat Bulaga sa Toronto. Kaya naman hindi pa nakaaalis, pinababalik na agad sila para muling mag-show doon.
Source: People's Tonight
If you like this story. Please share it. Thank you!
0 comments:
Post a Comment