latest Post

Glaiza de Castro talks about her career update

Sunday, April 20, 2014 11:15PM


Glaiza de Castro admits she's clueless about a new show being cooked up by her home network: “Yung sa napapabalitang bagong TV show naman, nagugulat ako dahil netizens pa ang nauuna sa balita. Kaya ayaw ko munang maniwala. Pero as of today, zero... as in zero knowledge ako.”

CAREER UPDATE. Tungkol naman sa TV and movie career niya ang aming pinag-usapan.

Aniya, “Yung indie movie ko na Cattleya: An OFW Story, ang balita ko ay nilalakad ng aming producer na magkaroon ng special screening sa iba't ibang bansa.

“Since tungkol ito sa kuwento ng buhay ng mga OFW (Overseas Filipino workers), gusto nila makita rin nila.

“Yung sa napapabalitang bagong TV show naman, nagugulat nga ako dahil netizens pa ang nauuna sa balita.

“Pero ako, walang alam—wala pa kaming story conference or whatsoever. Kaya ayaw ko munang maniwala.

“May mga binanggit pa nga silang names like si Benjamin Alves na makakasama ko raw, pero as of today, zero... as in zero knowledge ako.

“Sa May daw magsisimula pero wala pa talaga.”

Ang TV shows ni Glaiza sa Kapuso network ay ang Vampire ng Daddy Ko, at ang Sunday musical variety show na Sunday All Stars (SAS).

Ano ang pakiramdam niya na hanggang ngayon ay hindi pa nasusundan ng isang mabigat na teleserye ang Temptation of Wife kung saan nagmarka siya bilang si Heidi?

Kaswal na sagot ni Glaiza, “Actually, nakipag-meeting na kami sa GMA Artist Center, kasama si Tito Manny [Vallester] at nanay ko.

“Nakakatuwa naman na merong proseso. Hindi pa rin talaga natin masasabi ngayon kung ano at kailan, pero definitely ay magkakaroon.

“Kasi nasa kontrata ko at tiwala ako na meron at merong ibibigay talaga,” patuloy pa niya.

Ang talent manager na si Manny Vallester ang tumatayong manager ngayon ni Glaiza matapos mag-expire ang kanyang contract noong nakaraang taon sa DMV Entertainment na pag-aari ni Manny Valera.

Dagdag pa niya, “Turn lang siguro talaga.

“Sa mga ibang artista, maybe time nila ngayon, kasi yung iba matagal din namang naghintay.

“Siguro ako, tinuturuan din ako na maging patient, hopeful pa naman ako sa maaaring mangyari.

“Sa ngayon, di naman ako nawawalan kasi meron din akong SAS at yung with Bossing (Vic Sotto), kaya okey lang ako.

“Kasi kapag nag-soap ka naman, halos 90 percent ng oras mo ay dun talaga.”


Source:  PEP.PH

 If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>