Tuesday, April 22, 2014 10:27PM
Dakong alas-dos ng hapon nang dumating ang Pambansang Kamao at nagkita sila ng Pangulo sa Music Room ng Palasyo.
Ang pagkikita nina Pacquiao at PNoy ay kaugnay ng pagbawi ng People's Champ kay Timothy Bradley Jr. ng WBO Welterweight title sa kanilang rematch na ginanap sa Las Vegas, Nevada, noong April 12 (April 13 sa Pilipinas).
Read: Manny Pacquiao defeats Timothy Bradley in rematch
Nakabalik sa Pilipinas si Pacquio noong April 18, Good Friday.
Bukod sa pagbati ni PNoy kay Manny sa kanyang pagkapanalo, nagkaroon din ng pribadong pag-uusap ang dalawa, ayon sa ulat ng GMA News Online.
TAX ISSUE. Sa isang press conference sa pareho ring araw, sinabi ni Presidential Communications Operations Office Head Herminio “Sonny” Coloma Jr. na ang pag-uusap nina Manny at PNoy ay sa pagitan ng "dalawang magkaibigan."
Pahayag ni Coloma, "Sa aking palagay ito ay pagkikita lamang ng dalawang magkaibigan at pagpapalitan ng paghanga at pasasalamat."
Dagdag pa ng opisyal, walang “ill will” sa pagitan ni Pacquiao at ng gobyerno sa kabila ng isyu ni Pacquiao sa Bureau of Internal Revenue Commissioner.
Nagkaroon ng isyu si Manny nang habulin siya ng BIR dahil sa P2-bilyong buwis na sinisingil ng ahensiya sa boksingero.
Paniniyak ni Coloma, "Nililinaw lang natin: There is no ill will or animosity that is present in all of these conversations."
Sinabi ni Coloma na nagkaroon pa ng “friendly engagement" sa pagitan ng boxing champ at ni BIR Commissioner Kim Henares.
Pinaalalahanan naman kamakailan ni Henares ang kampo ni Manny na isumite ang mga kinakailangang tax documents sa laban niya kay Bradley upang maiwasan na ang paghahabol sa kanya ng ahensiya.
Watch: Manny Pacquiao vs Timothy Bradley 2 (Full Fight) – 13 April 2014
If you like this story. Please share it. Thank you!

0 comments:
Post a Comment