Hindi sa kalye o labas ng bahay, kung hindi sa loob ng kuwebe ginawa umano ni Gat. Andres Bonifacio
ang kaniyang unang sigaw para sa kalayaan ng bansa mula sa kamay ng mga
mananakop na Kastila. Alam niyo ba kung saan kuweba ito ginawa ni
Bonifacio?
Sinasabing isang taon bago naganap ang paghihimagsik ng mga katipunero laban sa mga Kastila, nagtungo si Bonifacio kasama ang may walo pang lider at tauhan ng Katipunan sa Pamitinan Cave na matatagpuan sa Sitio Wawa, San Rafael, Rodriguez (dating Montalban), Rizal, noong Mahal na Araw ng Abril 1895.
Kasabay ng kanilang pagpupulong sa loob ng kuweba kaugnay ng taktikang gagawin sa himagsikan, idineklara ni Bonifacio ang kalayaan ng bansa sa unang pagkakataon. Sinasabing makikita pa rin sa loob ng kuwebe ang bakas ng isinulat ni Bonifacio sa bato na katagang "Viva la Independencia Filipinas."
Noong Enero 1996, idineklara ng National Historical Commission na National Historical Site ang Pamitinan cave. At pagkaraan ng ilang buwan, idineklarang Protected Area Landscape ang lugar ng kuweba sa ilalim ng Proclamation No. 901. --GMA news
If you like this story. Please share it. Thank you!

0 comments:
Post a Comment