Monday, May 5, 2014 0:22
Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama sina Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra De Rossi, at Chef Boy Logro sa isang programang magpapatingkad sa umaga ng mga manonood sa pamamagitan ng mga iba’t ibang segments. Magkakaiba man ang mga personalidad nila, magkakatulad naman ang pananaw ng mga ito pagdating sa kahulugan ng kasiyahan.
Sa pagbabalik ni Donita sa Philippine TV, sinisigurado niyang ipakikita nito ang kanyang nakakatuwang personalidad na hindi pa nakita ng mga manonood sa mga dati nitong programa. “This is not necessarily a cooking show or just an ordinary morning show. It’s about everything happy. I’m excited, kasi ang concept ng show na ito ay out of the box and I’m always willing to try something new. It will teach us na marami tayong pagdadaanan na mga pagsubok sa buhay, but if we think positively, every day siguradong magiging happy,” saad niya.
Ikinuwento naman ni Gladys na natutuwa siyang maging bahagi ng pinakabagong morning program ng GMA Network.
Samantala, si Alessandra na kilala bilang isang versatile actress, ay natutuwa dahil mapapatunayan na niya na ang kanyang totoong personalidad ay talagang iba sa kanyang mga papel na ginampanan noon. “Masaya ako kasi after so many years, makikita ng mga tao yung totoong personality ko na happy naman talaga akong tao. Hindi ‘yung lagi na lang akong nakikitang nakikipag-away sa bida. I want to inspire other people,” dagdag pa niya.
Maliban naman sa pagpapatuloy ni Chef Boy ng kanyang mga culinary skills at extraordinary recipes sa isang segment sa Basta Every Day Happy pagkatapos niyang naging host sa Kusina Master, sasali rin siya sa mga nakatutuwang segments na siguradong magpapakita ng kanyang kakaibang personalidad.
Magsisimula ang Basta Every Day Happy sa Mayo 12, 11:00 AM sa GMA7.
Discuss more in the comment section. If you like this story. Please share it. Thank you!

0 comments:
Post a Comment