Tuesday, 17 June, 2014 | 23:41
Mayroon daw mga lalaking umaaligid ngayon kay Carla Abellana, lalo na't single na muli ang aktres.
“I wouldn’t say suitors, pero kahit papaano may mga nagpaparamdam,” paglilinaw ni Carla.
Artista?
“Parang merong isang artista.”
Clue. Kapuso rin?
“Hindi, e, hindi GMA.”
Taga-ABS?
“Oo. ABS yung isa.”
Sino?
“Secret!”
Si Sam Milby?
“Ay, grabe, susyal! Huwag naman... may ano na yun.”
Mayroon na bang karelasyon si Sam sa pagkakaalam niya?
“Hindi ko alam, hindi ko alam, e,” sagot ni Carla.
Paano niya hina-handle ang mga nagpaparamdam na ito?
“Sabi ko sa kanila, honestly, wala naman akong maibibigay na time.
"I am really honestly fully booked with work for the next few months.
“So, kawawa lang naman din sila kung maghahabol sila ng oras ko or ng attention ko, kasi wala akong maibibigay sa kanila.
“Meron ding friends na non-showbiz... meron din naman kahit papaano.” —pep.ph
0 comments:
Post a Comment