Sino nga namang Pilipino ang hindi nakaka alam ng salitang "Eat Bulaga". Pag sinabing Eat Bulaga, kadalasan ay sina Tito, Vic and Joey ang pumapasok sa isipan nating mga Pilipino.
At ngayong taon nga nag cecelebrate ang Eat Bulaga ng kanilang ika 35 na annibersaryo.
Nagsimula noong 1979, ang tandem nila Tito, Vic and Joey o Mas kilala sa tawag na TVJ bilang host ng Eat Bulaga. Ilang TV network na din ang nalipatan ng Eat Bulaga at ngayon nga sa GMA 7 nag celebrate ng 35th Anniversary ang longest running noontime show sa bansa.
Marami ang nagtatanong kung ano ang naging sekreto ng programa at nakaabot silang sa tatlot kalahating dekada ng pagpapasaya sa mga Pilipino sa tanghalian. Ayon nga sa ulat ng GMA news reporter na si Lala Roque sinabing umabot na ng 10,000 araw na kasama ng mga Pilipino ang Eat Bulaga sa pananghalian.
Pagbabalik-tanaw ni Joey, "Actually raraket nga lang kami [sa pagpasok bilang hosts ng Eat Bulaga]. Si Vic ang salita noon, 'pare, 'pag nabili ko yung kotse, tigilan na natin 'to."
Dagdag pa ni Joey, inienjoy nila ang bawat araw na magkakasama sila sa programa at hindi nila iniisip na makipagkompetisyon sa iba.
Natatawang pagbahagi naman ni Tito, sila ni Joey ang pumirma ng kontrata para maging bahagi ng programa kaya naman tila napasubo si Vic.
At sa paglipas ng panahon, sa "Eat Bulaga" na rin tumanda ang sikat na comedy trio noon na Tito, Vic at Joey.
"Yung 35 years numero lang, parang hindi namin napansin. Ako sa sarili ko parang hindi ko napansin na, 'Uy!, 35 years na pala 'yon.' ani Vic.
"Parang balewala [ang paglipas ng panahon] kasi dahil na rin sa mga nabanggit nila kanina na isang pamilya kayo, isang dabarkads kayo," patuloy ni Vic.
Dagdag ni Joey, "Sariwa sa araw-araw, so hindi ko malitanya e, laging bago bawat araw."
At sakabila ng pagtagal ng 35 taon sa ere at patuloy na bumibilang, wala naman daw talaga silang sikreto kung tutuusin.
"It is a public service show masquerading as an entertainment program," pahayag ni Sen Tito.
Hiling nila, sa tulong ng mga makanonood at mga dabarkads ay patuloy pa silang makapaghatid ng saya at tulong mula Batanes hanggang Jolo.
Patuloy din ang kanilang pasasalamat sa publiko sa walang sawang suporta.

Reference: gmanetwork.com
0 comments:
Post a Comment