latest Post

Heart ipakikilala si Love Marie!

Tuesday, April 22, 2014 11:15PM 


 Kakaibang Love Marie Ongpauco - bilang isang emerging artist at pilit na hinihiwalay ang kanyang pagiging isang certified celebrity – ang nagpapakilala sa madlang people. “Marami ang hindi nakakaalam sa bagay na ito, hindi nila alam na ginagawa ko ito,” ang sabi ni Love Marie na mas sikat na si Heart Evangelista.

Hindi nito itinatanggi ang nararamda­mang excitement sa ginagawang pag­hahanda sa gaganaping solo exhibit ng kanyang mga paintings sa Ar­tist Space sa Ayala Museum sa Makati City sa May 8 hanggang May 22.

Matagal na siyang nagpipinta. Nakahiligan na niya ito mula bata pa siya, bagay na ikinatuwa ng kanyang mga parents. Naalala pa niya na ang kanyang play kits noong 2 or 3 years old pa lang siya ay puro washable! Nakahiligan na raw kasi ni Love Marie noon na mag-drawing kung saan-saan, sa dingding, sa mesa, o sa silya.

Kaya naman ang title ng first solo ex­hibit ay I am Love Marie, the Art and Works of Love Marie Ongpauco, bilang pormal na pagpapakilala sa pangalang na­pili ng kanyang parents para sa na isinilang nung Araw ng mga Puso (February 14, Valentine’s Day), taong 1985.



Basahin: Heart Evangelista, gustong maging Mrs. Escudero


Merong 19 oil-on-canvass na pain­tings ang kauna-unahan exhibit na ito.

Gustong patunayan ni Heart na hindi niya ganap na tinalikuran si Love Marie Ongpauco at ang kanyang pagmamahal sa larangan ng sining. Pagkakataon ito para makilala naman si Love Marie at ang kanyang trabaho.

Hindi lang si Love Marie ang kilalang nagpipinta sa showbiz. Maging sina Marian Rivera at Nadine Lustre ay ang gaganda rin ng mga obra. Kaya ‘wag tayong magulat kung magkakaroon din sila ng exhibit.


Source: Pilipino Star Ngayon

 If you like this story. Please share it. Thank you!

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +