latest Post

Lotlot tutuhugin ang dalawang serye

Tuesday, April 22, 2014 11:07PM

Kasama sa cast ng Niño si Lotlot de Leon, paano ‘yun at nasa Kambal Sirena pa siya at kung May 26, ang pilot ng Niño, mag-aabot pa ang dalawang shows ng GMA 7. Unless, alisin siya sa Kambal para hindi sa dalawang magkasunod na soap siya mapapanood.


Basahin: Lotlot Inisnab si Julie Anne?

Sa Niño, si Lotlot ay si Leny, adoptive mother ni Niño (si David Remo yata ito) ang incarnate ni Sto. Niño at tutulong sa tukayo niya na gagampanan ni Miguel Tanfelix.

Nabasa rin namin ang pangalan ni Jerald Napoles na kabilang sa cast bilang si Obet, kaibigan ni David (Neil Ryan Sese) na asawa ni Leny. Matutuwa ang naging instant fans ni Jerald mula nang mapanood siya sa Rak of Aegis dahil regular na siyang mapapanood sa telebisyon.


Source: Pilipino Star Ngayon


 If you like this story. Please share it. Thank you!

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +