latest Post

Martin del Rosario deadma sa mga intriga tungkol sa kanyang kasarian

Saturday, May 10, 2014 0:55
                               

Para kay Martin del Rosario pinakamatinding intrigang naranasan niya sa showbiz ay nang ma-link siya sa kapwa lalaki at best friend pa niya, ito ay sa modelong si Zuher Bautista.

May kumalat pa raw kasing picture sa Internet na magkasama sila. Pero na-crop daw ‘yung mga kasama nila sa photo at pinalalabas na sila lang dalawa ang magkasama na nabigyan naman ng kulay.

“Pero sa totoo lang, nasa akin ang original picture, cropped ‘yung mga tao sa likod. Cropped ‘yung mga nakatayo. Anong masama sa nakaganito, back-to-back, nakaganyan?” say niya.

Until now ay lumalabas pa raw ang photo sa net.

Nasaktan ba siya sa intrigang ‘yun?

“Pag naha-hurt ‘yung mom ko, naha-hurt din ako. Ako, hindi naman naha-hurt.”

Ayon pa kay Martin, hindi na lang daw niya pinapansin ang gender issue sa kanya.

Saka kapag kilala mo naman ang sarili mo, parang hindi mo na kailangan problemahin,” he said.

Discuss more in the comment section? Like the story? Share it! 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>