latest Post

Martin del Rosario @mart_drosario moves to GMA Network

Saturday, May 10, 2014 1:25
                             
Sariling desisyon daw ng 21-year-old actor ang paglipat sa GMA dahil gusto niyang magkaroon ng mga pagbabago sa kanyang showbiz career.

“And parang kinausap ko sila na pinakagusto kotalaga is for career advancement.

“Parang bago naman kasi, ang tagal ko na rin sa ABS-CBN, mga six years.

“So, nag-set ako ng meeting, like a month ago.

“Although wala pa akong contract signing sa GMA-7. Parang ni-launch lang ako sa Rhodora X.”

Patuloy ni Martin, “Nagpa-release ako sa ABS-CBN.

“Parang sa tingin ko, habang bata pa ako, sayang ang oras kung tatapusin ko pa ang kontrata ko.

“Next year pa dapat matatapos ang contract ko sa ABS-CBN.

“Nagpa-release ako para new environment, para mas mabigyan ako ng mas magandang breaks.

HAPPY ABOUT HIS DECISION. “I’m very happy naman sa desisyon ko, wala akong pinagsisihan.

“Actually, nagpahinga naman ako ng one month. Nagbakasyon po ako.

“Nagulat ako, pagkagaling ko sa Boracay, may taping na ako sa Rhodora X.



“Gusto ko na maging lead actor, mas ma-push.

“Maraming magagaling na artista and, ako naman, naniniwala ako na magaling ako na artista, pero siguro kanya-kanyang time ‘yon.”

Nilinaw rin ni Martin na wala siyang sama ng loob sa kanyang dating home network.

“Magkakaroon ako ng sama ng loob kung sila ang umayaw sa akin, pero ako naman po ang nagpa-release, and na-grant nila nang maayos.

“Wala naman naging problema sa pag-alis ko.

“Masaya naman ako, hindi lang contented.”

Source: pep.ph

Discuss more in the comment section. Like this story? Share it! 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>