latest Post

‘Wala akong retoke’ - Marian Rivera

Saturday, May 10, 2014 1:12
                  
“Wala pong kahit anong retoke ‘yan,” mahinhing sagot ni Marian Rivera na natatawa sa bintang na retoke raw ang mga Belo billboards niya na nagkalat sa EDSA.

Maging si Dra. Vicki Belo ay mabilis ang sagot na walang ginalaw sa katawan ng kanilang frontliner sa summer campaign ng Belo Medical Group.

Wala na raw siyang keber kung may nag-aakusang inayos ang perfect na kurba ng katawan niya. “Pinaghirapan ko po ‘yan,” simpleng sagot ni Marian.

Eh ano namang bahagi ng katawan niya ang paborito ng boyfriend niyang si Dingdong (Dantes)? “Back.”

Palagay mo bakit likod?

“Kasi bihira lang daw ang babaeng malalim ang kurba tapos malaki ang butt,” sagot naman niya.


Eh ano naman ang paboritong part niya ng kanyang katawan?

“Mukha po,” na hindi naman nakakataka dahil para siyang pinagpala sa kagandahan.

Paboritong body procedures naman ni Marian sa Belo Clinics ang Laser Hair Removal at Venus Freeze.

Nagpapatanggal siya ng balahibo sa kili-kili, legs, at bikini area, na kailangang-kailangan ngayong summer.

Wala ka raw talagang sakit na mararamdaman sa laser machine.

At kahit kain pang-construction worker ang actress, never tumaba si Marian. Pero may mga bagay pa rin siyang dapat ayusin kaya nagpapa-Venus Freeze siya. Ito ay para sa cellulites, pang-tight ng skin and contours the body. Wala ka rin daw mararamdamang sakit dito sabi naman ni Ms. Cristalle Belo sa presscon na ginanap kahapon.

Discuss more in the comment section. Like the story? Share it! 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>