latest Post

Joshua Zamora and Jopay Paguia tie the knot; Joshua says, "finally ito na yung araw na na-settle namin yung lahat."

Sunday, 8 June, 2014 | 0:47


Simple pero taimtim ang naging wedding ceremony ng dancing couple na sina Jopay Paguia at Joshua Zamora sa Fernwood Gardens sa Quezon City, kahapon, June 6.

Ang nasabing Christian wedding ay dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at pamilya ng dalawa—gaya nina Gary Valenciano, Yeng Constantino, mga miyembro ng SexBomb Dancers, The Manoeuvres, Diana Zubiri, Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, Arnold Clavio, Raymond Bagatsing, at Keempee de Leon.

EXCHANGE OF PROMISES. Sa mismong seremonya, nangako si Joshua na ipagkakaloob niya kay Jopay ang "agape," Greek word na nangangahulugang unconditional love.

Sa kanyang speech, sinabi ng miyembro ng dance group na The Manoeuvres: "Hindi naman talaga madali ang mangako ng panghabang-buhay na pagmamahal, pero isa lang ang natitiyak ko, mula ngayon.

"Sa oras na ito, naniniwala ako na ang pagmamahal na ipinaramdam ko at ibibigay ko sa 'yo ay pinlano at 'pinagkaloob ng ating Panginoon.

"At dahil do'n Babas [term of endearment nila sa isa't isa], mamahalin kitang tunay at ipapadama ko sa 'yo ang isang wagas na pag-ibig.

"I really do not know how to do all these, but by the grace of God, I know and I'm sure that I will be able to fulfill all that is expected of me."

Bilang tugon naman sa pangako ng kanyang asawa, ipinangako ni Jopay na susuklian niya ang pagmamahal at pag-aalagang ibibigay ng kanyang kabiyak.

"Kahit na kulubot na ang balat mo, kahit naka-wheel chair ka na, o kahit hindi mo na ako makilala o hindi mo na alam kung ano ang pangalan ko o ang kulit-kulit mo, paulit-ulit kang nagtatanong kung sino ako, kung ano'ng meron, kung saan tayo nag-umpisa, I will be here for you until the very last day.

"I promise I will take care of our future children and love them unconditionally kahit 12 pa. Sabi mo nga, like the way you love me."

Sa panayam sa mag-asawa pagkatapos ng kanilang kasal, halatang overwhelmed pa rin sila sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

Sabi ni Jopay, "Ganun pala yung pakiramdam, para kang nakalutang talaga kasi iba talaga yung boyfriend-girlfriend.

"Hindi katulad dati, nagpi-feeling asawa ako. Iba yung pakiramdam na nag-'I do' na ko sa kanya, husband ko na siya, Zamora na ako. Para kang nakalutang."

Sinang-ayunan naman ito ni Johsua: "Iba talaga yung pakiramdam ko ngayon, sobrang nakakaramdam ka na lutang na lutang.

"I was really emotional kasi for the longest time na magboyfriend-girlfriend, matagal kaming partner, nag-breakup, nagkabati, and finally ito na yung araw na na-settle namin yung lahat.

"Totoo ang sinabi ng asawa ko na ngayon na it's really for the glory of God." — pep.ph

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>