latest Post

NUTAM TV Rating for May 2014

Sunday, 8 June, 2014 0:24

Nangunguna pa din ang GMA Network sa Luzon at Mega Manila kung saan lumamang ito ng  2%  sa ABS CBN at 23.1% sa TV5. Sa Mega Manila naman mas mataas ng  5.9% sa ABS CBN at 23.6% sa TV5. Sa Visayas naman lumamang ang ABS CBN ng 16.4% sa GMA Network at 27.3% sa TV5. Sa Mindanao naman malaki rin ang lamang ng ABS CBN sa GMA Network na umabot sa 17.9% at 28.7% sa TV5.

       
Samantalang 9 na programa ng GMA Network ang pumasok sa Top 20 most watched TV program sa buwan ng May at 11 programa ng ABS CBN ang nasa listahan. 

Ang Ikaw Lamang ng ABS CBN ang pinaka pinapanuod na programa sa NUTAM samantalang ang Kapuso Mo, Jessica Soho ang pinaka pinapanuod na programa ng GMA Network na nasa pang anim na pwesto. Mas pinapanuod naman sa NUTAM ang Maalaala Mo Kaya ng ABS CBN kumpara sa Magpakailanman ng GMA Network. Samantala ang Koreanovelang My Love from the Star ang nag iisang Koreanovela na pumasok sa Top 20 list. Malaki rin ang lamang ng Pepito Manaloto ng GMA network sa home Sweetie Home ng ABS CBN. 

          

Source: AGB Nielsen Media Research Philippines

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>