latest Post

Martin del Rosario unruffled by intrigues: "Wala akong bitterness. Ang iniisip ko na lang, good or bad, it is still publicity.”

Sunday, 8 June, 2014 | 0:42

         

Pinupuntirya man ng ilang intriga si Martin del Rosario, masaya at positibo pa rin ang kanyang pananaw sa mga nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon.

Para kay Martin, hindi naman daw niya gaanong pinapansin ang mga ito. Pero ang mas inaalala lang niya ay ang kanyang pamilya.

“Sa akin naman po, ang mahalaga naman ay alam mo yung sarili mo. Pero once na naapektuhan na yung family mo, siyempre pati ako naaapektuhan din.

“Kinakausap ko naman yung parents ko about it, 'tapos sinasabihan ko na huwag nang magpaapekto,” panimulang saad ni Martin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket interview para sa pelikulang Marka na ginanap sa Finio Restaurant noong June 4.

Hindi pa ba sanay ang parents niya sa kalakaran sa showbiz?

“Sanay naman po sila, kaso lang kapag yung isang bagay ay paulit-ulit na kasing sinasabi, doon ka maapektuhan, e.

"Kung buti sana ay yung mga tsismis ay iba-iba. Ang nangyari, isang issue lang na pareho-pareho lang naman mula noong nagsisimula pa lang ako.”

Dagdag pa ng bagong Kapuso aktor, “Hindi ko alam kung paano sila nakakahanap ng katuwaan sa pananakit sa ibang tao, kasi po, hindi naman ako ganoon na mahilig mag-down ng ibang tao.”

So, deadma ka na lang sa mga ganitong bagay?

“Sa akin, para sa sarili ko, as much as possible ay hindi ko na pinalalaki iyan. Pero dahil naaapektuhan ang mga magulang ko…  

"Sana, paniwalaan na nila iyong gusto nilang paniwalaan, pero sa akin lang, sana ay may respeto.

“Kung masaya kayo sa mga pinaniniwalaan ninyo, okay lang sa akin iyon.

 
"Pero sa akin lang, sana ay magbigay kayo ng respeto sa tao,” wika pa niya patungkol sa mga naninira sa kanya.

CLUELESS. May idea ka ba kung sino ang mga gumagawa ng mga ganitong intriga sa iyo?

“Wala po akong idea, e…”

Hindi kaya may kinalaman ito sa paglilipat niya ng TV network?

“Mahirap paniwalaan na dahil kalilipat ko lang ng network kaya lumalabas ang mga intrigang ito.

"Kasi, habang nandoon naman po ako ay itinuring ko naman po silang pamilya.

"Maayos naman po ang pag-alis ko.”

Pero halimbawa ngang may kinalaman ito, “Masasaktan po ako kung totoo iyon."

Pero confident siyang hindi gagawin iyon ng mga dati niyang nakatrabaho.

"...sa paniniwala ko ngayon ay hindi naman nila gagawin iyon.

“Wala naman pong bad blood sa pag-alis ko roon, wala ring bitterness sa both parties.

"Kasi, humingi po ako ng release, maayos naman po at nakausap ko iyong lahat ng heads sa kabila po, e.

"Naging maayos iyong paalam ko po, wala pong naging problema .” — pep.ph

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>