latest Post

Ilang celebs nanawagan ng tulong para sa operasyon ni Tiya Pusit

Wednesday, August 27, 2014 | 1:08am
Sa pamamagitan ng social media, nanawagan ang ilang celebrity para matulungan sa kaniyang operasyon ang komedyanteng si Tiya Pusit na ilang linggo na umanong nakaratay sa ospital.

Sa isang post sa kaniyang Twitter account, sinabi ni Ogie Alcasid na walang sapat na pera si Tiya Pusit para tustusan ang operasyon nito makaraang tamaan ng "aneurysm."



"Let's help Tiya Pusit. She has been in the hospital for one month now and has no money to pay for her operation. She is suffering from aneurysm," saad sa post ni Ogie na presidente ng Organisasyon ng Piliping Mang-aawit.

Samantala, sa Instragram account naman ng dating aktres na si Paula Parelejo, naka-post ang mensahe ng komedyanteng si Beverly Salviejo na umaapela rin ng tulong para kay Tiya Pusit.

Ayon kay Paula, ngayon lang niya nai-share ang post ni Beverly na nakita niya noong nakaraang linggo tungkol sa kalagayan ni Tiya Pusit.

"At sa mga ayaw naman pong magdonate dahil walang ALS org sa Pilipinas (I don't get this argument, foreign countries help us all the time whenever we have calamities, etc. But anyway...), here's one person you can help: TIA PUSIT. Sa mga napatawa niya at napaligaya, a little help goes a long way. I saw this on Ate Beverly's feed about a week ago, ngayon ko lang na share. Please spread the word...Salamat!" saad ni Paulo sa kaniyang post na @paulatheexplorer
 

Isang follower naman ni Paula ang nagkomento na na-admit si Tiya Pusit sa ICU noong nakaraang linggo pero hindi nabanggit kung saan ospital ito nakaratay.

@jk_reyes: "Tia Pusit was admitted in our ICU weeks ago, and she needs our help. Kahit may sakit si Tia Pusit, hindi pa rin nawala ang pagpapatawa nya sa aming mga nurses and sa ibang mga pasyente..."
 
Sa naturang post ni Beverly, sinabi nito na kakailanganin ni Tiya Pusit ng P400,000 hanggang P500,000 para sa "stent" na ikakabit sa puso ng komedyante.

Maliban pa rito ang ibang gastusin tulad ng bayad sa duktor, ospital at mga gamot.

"Kahit ano pong halaga ay malaking pasasalamat po. Sabi nga ni TIA PUSIT, kahit maliit kung nakaparami naman, makabuo rin ng mahalagang kailangan. Pagpalain nawa ng Maykapal ang lahat na daramay. Salamat po.," bahagi ng post ni Beverly.

Nakasaad din sa post ni Beverly ang cell phone number ng anak ni Tiya Pusit na si Christian (09328427295). --  GMA News

Source

 http://www.gmanetwork.com/news/story/376509/showbiz/ilang-celebs-nanawagan-ng-tulong-para-sa-operasyon-ni-tiya-pusit

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>