latest Post

Marian, Iniyakan ng mga Dabarkads!

Wednesday, August 27, 2014 | 12:22am


Sa tindi ng emosyon ng isang kalahok na umawit sa "Barangay Superstar" ng Eat Bulaga!, natangay maging ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na humiga sa sahig ng covered court at iniyakan naman ng mga dabarkads na sina Jose, Wally at Paolo.

May sapin naman ang semento ng covered court sa barangay Bangculasi, Navotas na hinigan ni Marian habang todo sa pagbirit ang kalahok na si Alvin Ortega sa awiting "Kailangan Kita."

Pero kahit todo sa drama sina Marian, Jose, Wally at Paolo, napuno naman ng tawanan ang mga tao sa covered court, at pati na ang mga dabarkads sa studio kung saan nakikigulo rin sina Vic Sotto at Joey de Leon.

Sa larawan na ito na naka-post sa fan page ng "Eat Bulaga" sa Facebook, umani ng paghanga si Marian sa mga tagasubaybay ng noontime show dahil ipinakita ng aktres ang pagiging kalog nito at walang arte sa ginagawang pagpapatawa kasama ang "Sugod-Bahay" gang nina Jose, Wally at Paolo.

Narito ang ilan sa napakaraming komento ng mga dabarkards sa FB page:

@Honey: "Dami q0h tawa knina,,kahit aq0h lng mag-isa d2 sa hauz..graveh c yanyan nhawa na sa kal0k0han nung 3..per0 0k yan,,mas masaya mas maganda...every b0dy happie with eat bulaga....juan f0r all all f0r juan lng inaabangan q0h sa eat bulaga...."

@Ashley: "Hehe c Marian Hindi Maarte"

@Jayllo: "I like her kasi hindi siya maarte, natural sa harap ng mga tao at totoo siya. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagmamahal sa kanya."

@Marry : "YAn anG Tunay na tao ... magaNDA na mabaiT PA at dii maarte,,, SALodo ako saU idoL ... saNA ipag patuLoy mo pa kunq anu ka ,,, yanG MGA naninra wag mo pansinin inggit lanq yaN... Love YOU mariaN."

@Oliver "yan ang kinaganda ni marian super ganda pero game, maski humiga sa lapag."

@Bernardita "Oo naman sino bang hindi mag enjoy sa eat bulaga.napaka bato naman ng puso mo pag hindi ka matawa.grabe c marian ang sarap ng higa yan ba ang maarte?"

@Jhon Paul: "Laughtrip. Nahawa na si Marian ng humor ng JoWaPao."

@Joymilyn "hahaha. May pagka baliw ding tong si Mrs. Dantes eh noh.. Love u YanYan."

@Justine "Nakakaloka si ms. Marian rivera dto. Kalog k girl!"

@Josephine: "Naku enjoy to the max lalong naging masaya makuleteks at game na game si marian. Wala talagang kaarte arte.." --  GMA News

Source

• http://www.gmanetwork.com/news/story/376513/showbiz/chikaminute/look-marian-rivera-iniyakan-ng-mga-dabarkads

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>