latest Post

No regrets for Christian Bautista a year after GMA transfer

Saturday, November 22, 2014 | 10:43pm
Published By: PEP

 
Mahigit isang taon na ang lumipas nang lumipat si Christian Bautista sa GMA Network mula sa ABS-CBN.

Nakakausap naman daw ni Christian ang mga dating kasamahan niya sa Kapamilya network, ngunit inamin niyang nami-miss din niya ang mga ito.

Kuwento niya, “Last week, pumunta ako sa Myx Mo [concert].

“Katulad ko, sina Erik [Santos], sina Angeline [Quinto]... si Yeng [Constantino] magpapakasal na.

"So, ang dami, ang dami-daming nangyayari.

“Ayun nga, so nami-miss ko rin sila.”

Tatlong programa ang pinagkakaabalahan ngayon ni Christian sa Kapuso network: Sunday All Stars, Marian, at Strawberry Lane.

Kaya naman laking pasasalamat ni Christian sa Kapuso network dahil ngayon lang daw siya nagkaroon ng tatlong shows na sabay-sabay.

Pahayag ni Christian, “I’m very, very grateful, especially this season.

“So, grabe, I never had three shows ever na straight.

"So, nakakapagod, pero you feel the value, so talagang ang sarap na binibigyan ako ng opportunity."

Hindi rin daw pinagsisisihan ni Christian ang ginawa niyang paglipat sa Kapuso network.

Paliwanag niya, “Hindi puwede magkaroon ng regrets kasi talagang 'pag nagkaroon ka ng isang desisyon, kailangan ituluy-tuloy mo yun kahit na anong mangyari."

Hindi naman daw niya balak kalimutan ang Kapamilya network at ang iba pang tumulong sa kanya upang marating ang kanyang kinatatayuan ngayon. 


 If you like this story. Please share it. Thank you!

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +