latest Post

PAOLO, imbitado na sa show ni Ellen DeGeneres?

Saturday, November 22, 2014 | 11:03pm | by DONDON SERMINO



Patuloy na dumarami ang nagpa-­follow kay Paolo Balleste­ros (@pochoy_29) sa Ins­tagram. Katuna­yan, mahigit kalahating mil­yon na ang followers niya sa Instagram pa lang, puwera pa sa Twitter at Facebook accounts niya.

Sa bawat pinu-post niyang picture, lalo na ‘yung make-up transformation na gina­gawa niya, palagi siyang nakaka­kuha ng mahigit na 50 thousand likes at pinakamababa na ang 4 thousand na comments, ha!

Isang linggo na ang nakalilipas mula nu’ng ‘kopyahin’ naman ni Paolo ang mukha ni Ellen DeGeneres. At libu-libong tao ang nag-link ng picture na ‘yon ni Paolo sa mga social media account ni Ellen DeGeneres. At sigurado ako, nakarating na ‘yon kay Ellen.

May mga tsika na interesado na rin si Ellen na kuning guest si Paolo sa show niyang The Ellen DeGeneres Show. Pero, tahimik pa rin si Paolo sa tsikang ito.

Sabi nga niya, interesado talaga siyang mag-guest sa show ni Ellen. At kahit ang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga, pinu-push talaga na mag-guest siya sa show ni Ellen. Na kahit may mga TV shows mula sa iba’t ibang bansa ang nagsasabing kukunin si Paolo na guest, ang show pa rin ni Ellen ang gawing priority.

Pero ‘yun na nga, kahit may mga tsikang type na rin ni Ellen si Paolo, tahimik lang si Paolo. At siyempre, tuluy-tuloy pa rin ang pag­likha niya ng mukha ng mga sikat na tao sa buong mundo, gamit ang make-up, sa sarili niyang mukha.

Anyway, ang latest na kinababaliwan ng fans kay Paolo ngayon ay ang panggagaya niya sa mukha ni Queen Elsa ng Frozen. #Queenelsa­OfCabanatuan. Na tinawag din niyang ELSAbeth Ramsey.


  If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>