latest Post

Julie Anne San Jose shy about being considered as the next Songbird

  

Nami-miss na raw ni Julie Anne San Jose ang umarte matapos niyang gawin ang teleseryeng Kahit Nasaan Ka Man noong isang taon, kung saan nakatambal niya si Kristoffer Martin.

"Sobrang miss ko na!" halos mapasigaw niyang sabi sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Saad pa niya, "'Yung mga teleserye ngayon sa Kapuso, ang gaganda.

"Pero I'm not yet sure kung kailan nila ulit ako kukunin for a soap.

"Pagdating sa paggawa ng soap [opera], perfect timing lang talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philppine Entertainment Portal) si Julie Anne noong kapistahan sa Sta. Maria, Bulacan, February 22.
 
NO MORE LOVETEAM. Hindi ikinaila ni Julie Anne na nabuwag na rin ang loveteam nila ni Elmo Magalona na isa pa man din sa pinakasikat na loveteams nung mga nakaraang taon.

"Oo nga," sambit niya.

"Pero, I don't see anything na sobrang negative about it.

"Kahit maraming fans ang nagki-claim na 'we want Julie and Elmo back,' it's still up to the [GMA] management, 'di ba?

"We all grow individually and we learn more from other people as well.

"At saka mahirap din yung nagde-depend ka sa ka-partner mo kasi, 'di ba?

"So, parang mas gusto mo pang mahasa ka nang husto on your own at hindi ka lang ma-stuck [sa isang loveteam].

"Pero malaki ang pasasalamat ko sa sumuporta sa amin noon ni Elmo and to those na lagi pa rin kaming hinahanap.

"Kasi, career-wise, ang laking advantage nun sa aming dalawa."

NEXT SONGBIRD? Tungkol sa kanyang career, nasabi ng young singer-actress na "open" siya "to all possibilities."

Saad pa niya, "Sa ngayon kasi, I'm still exploring other things in my capacity, like gumagawa ako ngayon ng second album ko."

Pagdating sa kantahan, ayaw isipin ni Julie Anne San Jose na siya ang ginu-groom ng Kapuso network na susunod sa yapak ni Regine Velasquez.

Lalo na't ang self-titled debut album niya, na ni-release noong 2012 pa, ay tumanggap ng 8X Platinum record award.

"Hindi naman po siguro," tila nahihiyang sabi ni Julie Anne.

"Hindi ko naman po iniisip ang mga bagay na ganyan. 

"Masaya lang po ako na nabigyan ako ng opportunities at marami ang tumangkilik.

"At yun po, nagpapasalamat ako sa GMA-7 for giving me the chance to prove what I have.

"Sobrang nakaka-flatter.

"Passionate ako about what I'm doing, and everything I do dito sa showbiz ay galing po sa puso ko.

"Kaya grabe ang pasalamat ko sa lahat ng supporters ko.

"Sobra talaga silang sumuporta."
 

Story from gmanetwork.com

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>