latest Post

Dennis Trillo shoots action scenes for film based on bloody bank massacre

Sunday, 1 June 2014 | 0:09


Award-winning actor Dennis Trillo plays a former cop sa upcoming indie film niya titled The Janitor. 

His character named Crisanto Espina gets involved in a series of fights requiring dangerous stunts being done by action stars.

Sa naturang action-drama movie na ito, maaatasan ang ex-cop na si Crisanto na hanapin at patayin ang mga pulis na involved sa isang bloody bank massacre.

Based on an infamous bank robbery incident, kung saan marami ang namatay sa mga na-hostage, ang The Janitor ay entry sa 2014 Cinemalaya Film Fest (Directors Showcase) sa darating na Agosto. Ito ay mula sa konsepto ng mismong direktor na si Mike Tuviera.

"The Janitor was my concept and story, tapos, si Aloy Adlawan ang gumawa ng screenplay," said Direk Mike.  

"It's loosely based on some historical events, pero binigyan na rin namin ng sarili naming kuwento.

"Madami nang pinanggalingan ang kuwento... mga events at characters na nanggaling din sa mga personal na buhay namin ni Aloy... medyo na-inject namin [sa story]."

Direk Mike admitted na ang istorya ng The Janitor ay hango sa bank robbery holdup and murder cases na naganap noong 2008 sa isang rural town branch ng isang kilalang bangko.

"'Yun ang initial inspiration, tapos dinivelop na rin namin," saad niya.

Si Dennis Trillo ang pangunahing tauhan bilang isang dating pulis na masasangkot sa krimen at mag-a-undertake ng isang manhunt upang tugisin ang mga suspects.

First choice ni Mike Tuviera si Dennis Trillo para sa lead role.

"Dennis was my first lead actor in my very first film, Txt [2006], so siya ulit sa The Janitor."

Sa Instagram account ni Dennis, nag-post siya ng mga pictures niya kunsaan nakabihis siya bilang pulis. Kasama niya sa naturang larawan si Direk Mike Tuviera at si Richard Gomez. 

Nilagay niya bilang caption: "Ang Mga Suspek!" 



Ang isa pang Instagram post ni Dennis isang picture kunsaan kasama niya si Richard Gomez bilang managing director named Rudy Manapat. 




DENNIS THE ACTION STAR.  Ang konsepto ng pagiging "janitor" ng lead character ay hindi literal, kundi isang simbolismo, ayon sa napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang bisitahin nito ang set ng pelikula noong Thursday, May 22, sa isang middle class bungalow sa Kamuning, Quezon City.

Kabilang sa eksena si Dennis bilang pamilyadong anak ni Irma Adlawan, ang inang baldado.

Upang alagaan si Irma, katuwang ni Dennis si LJ Reyes na gumaganap bilang kanyang buntis na asawa.

"Actually, yung bank robbery case...unsolved yun, e," ani Dennis.

Marami umanong issues at complications ang kaso, na malayang naisangkap sa kuwento ngThe Janitor, pero kailangang itago ang identity ng mga sangkot.

Very excited si Dennis dahil first time siyang gagawa ng action scenes para sa isang pelikula.

Obserbasyon ng writer na ito, parang character sa mga pelikula ng yumaong Rudy Fernandez ang makakapagpaalala sa papel na gagampanan ni Dennis Trillo.

Makikita ang portrayal dito ni Dennis, bilang isang tahimik at mapagmahal na anak at asawa, na may ipinaglalabang prinsipyo sa gitna ng mga kumplikasyon at pagsubok na masusuong.

Paliwanag ni Irma Adlawan, "Matindi ang guilt feelings niya, mula nang ma-stroke ako at ma-paralyzed, kaya maraming naging conflicts ang character niya; sa pamilya, dahil magka-clash sila ng ama niya [played by Dante Rivero] at sa lipunan, bilang dating pulis na naalis sa serbisyo."

Tungkol sa pagiging "peg" ng role niya si Daboy [Rudy Fernandez] sa iba't iba nitong memorable roles sa urban-based action films, natutuwang sumang-ayon si Dennis.

"Oo naman.  Siyempre, Daboy 'yan!"

Puwede nga raw niyang sundan ang yapak ni Daboy, kung magtutuluy-tuloy ang pag-a-action star niya.

"Talaga?  Malay natin... tingnan natin," aniya, sabay-ngiti.

Bilang isang musmos, na hindi pa nag-a-artista noon, paborito rin daw panoorin ni Dennis noon ang mga action movies.

"Ang lagi kong pinapanood noon, mga super heroes," sabi niya.

Later, nahilig din siya sa mga action films mula Hollywood, tulad ng mga nagawa ni Arnold Schwarzenegger.

"'Yan, naalala ko pa yung Last Action Hero," pagtukoy niya sa isang major action-starrer ni Schwarzenegger.

During the '90s kung kailan teenager si Dennis, yun naman daw ang panahon nina Robin Padilla at Cesar Montano bilang local action stars.

"Panahon ko yun [ng panonood ng movies] na sila yung talagang 'icon' na stereotypical action stars natin, di ba?"

Pero may mataas na pagkilala si Dennis sa mga naunang nag-action, tulad nina Daboy at Phillip Salvador, among others.

Sana raw, mauso uli ang big action movies sa pelikulang lokal.

"Sana manumbalik uli.  Wala na kasing gumagawa, e.  Para mas exciting!"

SA PUSO NI DOK.   Meanwhile, kasabay ng pagtapos ni Dennis ng The Janitor ang pagte-taping din niya para sa isang special drama series for GMA News TV titled Sa Puso Ni Dok.

"Yun ang tentative title nang mag-storycon kami.  Sa May 26 ang pilot taping, with Direk Adolf Alix Jr.

"I play the role of a doctor, na part ng medical mission [in the barrios]," lahad pa ni Dennis.

Bukod dito, mayroon ding tatampukang bagong teleserye si Dennis, with leading lady Carla Abellana, na nakasama nila ni Tom Rodriguez sa hit gay drama series na My Husband's Lover.

"Baka we'll start taping next month, pero hindi pa puwedeng i-reveal ang detalye," pag-beg off ni Dennis. - pep.ph

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>